Chapter 5

1K 52 30
                                    

Not Edited

Chapter 5

"Boss," wika ni Vin kay Lester. "Napasok na ng mga kalaban ninyo ang grupo ni Boss Anton at Boss Al. Noong isang buwan ko lang nalaman kaya pinakiusapan ko si Ma'am Isabella na dumito na muna dahil hindi ko talaga kaya na bantayan ang kambal nang mag-isa. Masyado silang malakas dahil nagsanib na ang dalawang grupo laban sa inyo."

Umupo si Lester sa sopa na katapat ng kinauupuan ni Vin. Mataman namang nakikinig ang mag-asawang Monteero pati na sina Tooffer at Kyle.

"Gusto nilang kidnapin ang kambal para mapabagsak si Boss Al at mahawakan ang negosyo niya sa Santa Isabel," patuloy pa ni Vin.

"Alam nila na may anak kami ni Isabella?" Titig na titig si Lester sa tauhan.

"Malamang, boss kay Ma'am Elinita nila nalaman. Kumikilos na rin ang babaing iyon at nitong huli ko lang nalaman na siya ang may pakana ng pagkakabaril kay Boss Kyle." Napahilamos na lang sa mukha si Lester nang marinig iyon.

"Shit talaga!" mura ni Lester at tiningnan ang nakababatang kapatid. Napakuyom ang kamao nito at nagsalitang muli, "Kaya ikaw, Kyle tigil-tigilan mo ang pambababae. Baka 'yan pa ang magpabagsak sa 'yo. Hindi mo kilala ang mga kalaban."

"Pero, Kuya," angal nito.

"Kapag hindi mo ako sinunod, ako mismo ang magpapasara ng strip club na iyon!" Natameme si Kyle sa sinabi ng kapatid. Napangiti naman si Tooffer, alam kasi nito na si Lester ang nasusunod pagdating sa pamilya at maging sa negosyo.

"Umalis na tayo." Tumayo na si Lester at nagpaalam sa mga magulang. "O, Vin hindi ka pa ba tatayo? Alis na tayo. Tooffer, huwag ka ng sumama."

"Dude, naman!" reklamo nito.

Atubiling tumayo si Vin at lumabas na ng silid kasunod ni Kyle. Panay pa rin ang reklamo ni Tooffer dahil gusto nitong sumama papunta sa club kung saan mangyayari ang transaksiyon.

"Lil sis!" saad ni Kyle dahilan para mapalingon sina Lester at Tooffer sa pintuan ganoon din ang mag-asawang Monteero. "Saan ang punta? Bihis na bihis ka 'ata?"

"Sa bar, Kuya Ky-"

"Hindi ka pwedeng pumunta sa bar, Cathy!" Sigaw ni Lester at pinasadahan ang suot ng kapatid na babae. Napailing ito sa suot na spaghetti strap dress na sobrang iksi. "Magbihis ka, hindi ka pwedeng umalis ngayong gabi."

"Pero, Kuya Le-"

"I said no! Can't, you understand?!" Sumigaw na ito dahilan para pumasok si Rose sa silid.

"What's happening here?" Nilapitan nito si Lester at hinawakan sa braso. "Why are you shouting at her?"

"Rose, galit si Kuya Lester," sumbong ni Cathy. "Hindi niya ako pinayagan na magpunta sa bar." Sumimangot ito.

"Raine," saad ni Isabella sa nobyo. "Pupunta kami ni Cathy sa bar, okay? Don't be too harsh on your sister. Isa pa kanina pa kami nagpaalam kina tito at tita. If you want," tumigil ito sa pagsasalita at iminuwestra ang hawak na jacket, "you can go with us."

Lihim na napangiti sina Tooffer at Kyle. Dito nila malalaman kung hanggang saan ang pagmamatigas ni Lester pagdating sa nobya.

"Pero hindi kayo pwede magpunta roon. Not now."

"And why?" Inosenteng tanong ni Isabella pero hindi iyon sinagot ni Lester. Nahihiya siyang malaman ng nobya ang magaganap na transaksiyon mamaya sa club. "Well, kung ayaw mo okay lang. Nariyan sa labas ang mga tauhan ni daddy kaya may makakasama kami ni Cathy papunta sa bar." Tinalikuran na nito ang nobyo at lumabas na ng silid.

Kailan Naging Anghel Ang  Halimaw? (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon