Alex's POV
Nandito ako sa kwarto ko nang maka tanggap ako ng tawag galing kay Ashron. Bakit na naman kaya natawag itong isang ito eh?
"Bakit?" bungad ko sa kanya. Bad trip ako ngayon dahil nagugutom ako.
"Punta ka dito sa bahay sabi ni Cindy. Bye." sabi 'nya sa akin.
"Teka! May exam kami ngayon! Ano hindi 'sya papasok?" tanong ko sa kanya.
"Hindi." sabi 'nya. Luh??
"Luh? Hindi pwedeng hindi." sabi ko. Aba mapapagalitan yun kung saka-sakali.
"Basta pumunta ka na lang dito. Nasabihan ko na din sina Xands, Andrie, at Kaizer. Ako bahala." sabi 'nya sa akin. Ano pa nga ba? Edi pumayag na ako.
Ano naman kaya ang gagawin ng lalaking iyon? Tsk.
Alas singko pa lang ng umaga. Ang aga pa. Kasi naman sina Cindy ih. Ano kayang nangyari doon at pinapunta kami.
Tinawagan ko si Andrie, mag-papasundo ako para mamaya.
"Yes babe?" matamis na bungad 'nya sa akin.
"Sunduin mo ako mamaya punta tayo kila Cindy." sabi ko sa kanya.
"Dapat ako ang mauunang tumawag sayo e." sabi 'nya sa akin. At bakit naman 'sya pa?
"So ano uulitin natin 'yung tawag." bored kong sabi sa kanya.
"Babe naman nag bibiro lang ako. Ikaw talaga. Mainit ata ulo mo? Gutom?" tanong 'nya sa akin. Kilalang-kilala talaga ako ng unggoy na 'to. Kaya mahal na mahal ko ito e.
"Oo." maiksi kong sabi.
"Dadaan tayo mamaya sa Mcdo bibili tayo ng pagkain mo. 'Wag na sad, okay?" sabi 'nya sa akin at awtomatiko naman akong napangiti.
"Sabi mo 'yan ah. Anong oras mo nga pala ako susunduin?" sabi ko.
"Oo naman. Uhmmm mga six-thirty. Sige bye na, see you mamaya! I love you babe!" sabi 'nya sa akin.
"I love you too babe!" sabi ko at pinatay ang tawag.
Alas-sinko pa lang naman pwede ka pa akong matulog ng kalahating oras. Kaya naman bumalik na ako sa pag-kakahiga ko.
-----FAST FORWARD-----
Nag drive-thru lang kami sa Mcdo dahil kaming dalawa na lang daw ang hinihintay doon. Ilang saglit pa ay nag-salita ako.
"Bakit nga pala hindi mo kasama si Kaizer ngayon?" tanong ko sa kanya. Ngayon lang ata nahiwalay sa amin ang taong iyon e. Dati-rati lagi 'yun nakikisakay dito sa van ni Andrie. Hindi ko rin alam kung bakit van ang sasakyan ni Andrie, e ang dami-dami namang kotse sa kanila. Hindi ko 'sya maintindihan.
"Ah gagamitin raw 'nya ang kotse 'nya ngayon." sabi 'nya sa akin. Napa-ah na lang ako. Ako ay nakain at 'sya naman ay nag-da-drive. Paminsan-minsan habang nag-da-drive 'sya sinusubuan ko 'sya. Sweet ko noh? Hahaha.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa apartment ni Cindy.
"Oh yes, nandito na ang mag-couple." sabi ni Kaizer. Tamad langa kong tumingin sa kanya.
Umupo kami sa tabi nina Xands, dahil iyon na lamang ang bakante.
"So ano ba ang sasabihin 'nyo? Hindi na kami naka-pasok dahil sabi 'nyo may sasabihin kayo sa amin." panimula ni Andrie.
"Kasi ganito nga...." at kinuwento nina Ashron, Xander, Harold at Cindy ang nangyari kahapon.
"Nakidnap?!" sabay-sabay naming tanong maliban sa apat na nag-kwento.
"Yes. Nakidnap." sabi ni Harold.
"Sino naman ang kumidnap?!" tanong ulit namin.
"Mga Villaroel. Mga kalaban ng Villacerlyn." sabi ni Xander.
"Kalaban 'nyo? E bakit naman kinidnap? For what?" seryosong tanong ni Kaizer sa tatlo.
"Sabi sa akin ni Chase Villaroel para daw makuha ang trono sa mga Villacerlyn sa Kasdeyatopia." sabi ni Cindy. Whut? Chase Villaroel? Trono? Kasdeyatopia?
"Ano naman yung Kasdeyatopia?" tanong ni Xands.
"Lugar kung saan kami nag-mula." sabi ni Xander.
"Ano yung sinasabi nyong trono?" tanong ko naman. Hindi ko sila maintindihan.
Nakidnap? Nakidnap si Cindy ng mga kalaban ng pamilya nina Ashron?
"Trono. Kasi sa Kasdeyatopia may namununo at isa na kaming pamilya Villacerlyn. Bago maging pinuno ang mga Villaroel kami ang namuno hanggang sa nakuha nila ang trono sa amin pero agad namin iyong nabawi sa kanila. At ngayon gusto nila itong makuha muli sa amin." mahabang paliwanag ni Ashron sa amin.
"E bakit gusto nila ulit makuha ang trono?" tanong ni Andrie.
"Dahil sa pera." simpleng sagot ni Harold.
A/N:
Hiiii mga bebi! So ayun nga ito na ang part two ng LWTTHV. Uhmmm inaasahan ko ang pag support nyo dito kagaya ng pag support nyo sa LWTTHV.
Kung naguguluhan kayo about dito sa part two feel free to message me. Hindi naman ako snobber, pwede rin naman kayong mag comment.
+++VOTE, COMMENT AND SHARE+++
LABLOTSSS!
-DARLINGBABE_22
BINABASA MO ANG
Forever With The Vampire
Teen FictionVampire Duology 2 I do not know how in a flash the woman I love disappeared. There is no trace of where she may have gone. There is no one to point out where she is. Four years have passed but I still can't find her. I have been longing for the warm...