Xander's POV
Nagbabalik ang inyong poging lingkod! Xander Villacerlyn! Kasalakuyan kaming nag kakaroon ng party ngayon! Kasama ko ang mga bampirang hindi mga pogi at maganda! Dahil ako lang ang pogi!
"Xander aba balita ko may jowa ka ah, bilib ako doon sa babae. Nakayang pumatol sa katulad mo." napahinto ako sa pag inom ng whine ko muntik ko ng maibuga kay Barett na syang nag tanong sa akin.
Naku tirisin kita dyan eh!
"Gago ka, maibubuga ko sayo itong whine. Woi pogi ako! Hindi katulad mo!" sabi ko naman sa kanya.
"Pogi ako!"
"Mas pogi ako!"
"Maputi ako!"
"May jowa ako!"
"aba! Cute ako!"
"Matangkad ako!"
"May problema kaba sa maliit ha? Xander?"
"Pikon!" sigaw ko sa kanya.
"Tama na nga! Tumigil na kayo." sabi sa amin ni Duke. Tss.
Naku titirisin ko talaga yang si Barett.
Ang katabi ko sa kanan ay si Ashron at sa kaliwa si Harold kaso nawala ang gago hindi ko alam kung saan pumunta kasama si Chandy. Jusko po. Lima ang upuan sa bawat table. Itong mag kapatid naman ay katabi ni Ashron.
"Bakit hindi mo sinama si Xands?" biglang tanong sa akin ni Ashron. Muntik ko ng mailuwa yung kinakain ko sa tanong nya.
"Oh wag mong iluluwa yan!" saway nya sa akin."Bakit naman kasi ganyan yung tanong mo?" tanong ko sa kanya. Aba ang dami-daming pwedeng itanong sa akin iyon pa. Kapag ganiting nami-miss ko ang babaeng yun ih.
"Wala kang pake. Tss, kakadiri ka para kang si Kaizer." sabi nya sa akin. Aba't!
"Woi! FYI! Mas matino ako kaysa kay Kaizer! Si Kaizer dugyot! Ako pogi! At 'di hamak na mas maayos akong kumain kaysa kanya! Nilulunok ko muna yung kinakain ko bago mag salita hindi katulad nya na natalsik ang pagkain galing sa bunganga nya!" sabi ko sa kanya. Triggered ako eh! Mas dugyot si Kaizer kaysa akin noh!
"Awat na namumula kana eh." sabi sa akin ni Duke. Umirap lang ako.
Tumayo ako at kumuha ng pagkain doon sa kaliwa ng mini stage. Aylabit! Madaming pagkain! Yiiiiieeeee! Walang diet-diet ngayon!
Kumuha ako ng mga brownies, ham, cake, burger at kung ano-ano pa. Hindi ako gutom sa lagay na iyan. Pero bago ako bumalik ay may nahagip ang mga mata ko sa bandang dulo ng mga table.
S-Si C-Cindy?! What the heck?
Iniwas ko ang tingin ko at binalik ulit doon sa babae. Tumatawa sya... Kasama nya ang mga Villaroel.
Tang.... Shet!
Si Cindy nga!
Shet!
Shet!
Shet!
Sya ang babaeng halos tatlong taon naming hinahanap tapos ngayon makikita ko nandito lang pala?!
Naagaw ng pansin ko ang pinsan kong masayang nag lalakad kasama si Chandy, si Harold.
Tumingin sya sa direksyon ko at sinenyasan na lumabas ng mansion. Dahan-dahan akong tumango sa kanya.
Bumalim muna ako sa table namin at iniwan yung mga pagkain na kinuha ko. Haysss, gutom na ako ih. Pero mas mahalaga yung sasabihin sa akin ni Harold.
"Oh, saan ka pupunta?" biglang tanong sa akin ni Ashron. Bigla tuloy akong napahinto.
"Ahh... Doon lang sa labas.. Mainit dito." sabi ko sa kanya.
"Mainit? Ang lamig kaya! Ang sabihin mo may kikitain ka sa labas!" pang aasar sa akin ni Barett.
"Baliw." sabi ko na lang at umalis na sa loob ng mansion.
Nadtanan ko si Harold na nakatayo doon sa may garden. Bale dalawa kasi ang garden namin dito, isa sa harap ng bahay at isa sa likod ng bahay. Mahilig kasi itong mga tita ko sa bulaklak kaya ayun, minsan amoy flower kaming lahat, kung minsan mukha na akong flower. Hihihi.
"Shet! Harold nakita mo 'yon?! Si Cindy 'yon diba?!" tanong ko sa kanya ng makalapit ako sa kanya. Tama lang ang lakas ng boses ko at malayo din naman kami sa mansion, hindi kami maririninig kahit mag ingay pa kami o mag sigawan dito. Isa pa malakas din ang music sa loob.
"Oo, si Cindy 'yon." sabi nya sa akin. Ako naman ay napanganga na lang. Oo nganga talaga.
What the heck?! Tatlong taon kaming nag hanap sa kanya nandito lang pala sya?! At kasama nya ang mga Villaroel!!
"What..... The....."
"Ayan ang dahilan kung bakit ako umuwi ng bangag nung isang araw. Nakita ko sya.... Nabangga ko pa. Pero bigla syang hinila ng isang lalaki... Si Daze..." sabi nya sa akin. Ako naman ay napahawak na lang sa buhok ko at bahagya ko itong ginulo.
"Bakit?! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin----sa amin?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa kasi ako sure, okay?!" sabi nya naman.
"Paano na yan? Baka mag kita sila ni Ashron. Ano'ng gagawin natin?" nag aalala kong tanong. Panigurado hindi sya titigilan ni Ashron once na sinabi namin ito sa kanya. Hindi nya titigilan si Cindy hanggat hindi nya nakukuha ang babae na iyon.
"Anong baka mag kita kami? Nino?" halos mabingi ako sa tanong na iyon. Shet.
Oh hi guys! Please VOTE, COMMENT AND SHARE!!
So ayun comment kayo and tell me what do you think about this chappy!
Iloveyou all!
-DARLINGBABE_22
BINABASA MO ANG
Forever With The Vampire
Teen FictionVampire Duology 2 I do not know how in a flash the woman I love disappeared. There is no trace of where she may have gone. There is no one to point out where she is. Four years have passed but I still can't find her. I have been longing for the warm...