Cassandra's POV
Kasama ko ngayon si Erthea sa park. Kakatapos lang naming libutin ang park kaya umupo muna kami sa mga upuang nag kalat sa paligid.
After naming mag usap ay napag-isip-isip ko na baka tama ang hinala ko na tinanggal ni Daze ang ala-ala ni Erthea. Kasi sa mga naaalala nya, si Ashron ang boyfriend nya tapos may iba pa syang pangalan na hindi Erthea. Hindi naman pwedeng sabihin na wala lang yun o sadya lang yun. Sigurado akong may ginawa si Daze kay Erthea. O kaya ang mga Villaroel.
Alam kong gulong-gulo si Erthea kaya nandito ako sa tabi nya if ever na kailangan nya ng kausap.
Dahil din sa mga nalaman ko ngayon ay nag aalala ako para sa kanya dahil malay mo malaman ni Daze na alam na ni Erthea ang lahat at malay mo saktan sya nito. Kaya kung kailangan ko syang itago gagawin ko kahit na mamatay pa ako. Si Erthea lang naman kasi ang babaeng nakakaintindi sa akin dito sa Kasdeyatopia. Sya lang ang makakapag tiwalaan ko dito maliban sa mga magulang ko at kay Chase.
Hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya kundi pati na rin kapatid. Halos sa lahat ng bagay nag akkasundo kami. Kaya naman po-protrktahan ko sa sa abot ng aking makakayanan.
Pero amg tanong bakit nila binura yung ala-ala ni Erthea? Kasi desperado masyado si Daze na mapasakanya si Erthea? Or baka dahil doon sa trono na pinag aagawan nila? Arghhh!
Dahil alam kong madaming problema si Erthea o Cindy, niyaya ko syang bumili ng ice cream. Palapit na kami sa nag titinda ng ice cream nang biglang matumba si Erthea. Nabangga sya ng isang binatang lalaki. Nag madali akong lumapit sa kanya.
"Tulong! Tulungan nyo kami!" pag hingi ko ng tulong. May isang lalaki naman na agad na lumapit sa amin at tinulungan kami.
"Bubuhatin ko na sya." sabi nya sa akin at tumango naman ako sa kanya.
Binuhat nya sa Erthea at ako naman hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Sana maging ayos lang sya. Sana walang mangyaring masama sa kanya.
Matapos syang buhatin nung lalaki papunta sa kotse nya ay agad itong nag drive papunta sa pinaka malapit na ospital.
Pag dating namin sa ospital agad syang inasikaso ng mga doktor.
Tinawagan ko si Daze at papunta ma daw sya sa ospital na ito.
Nakita kong paalis na yung lalaking tumulong sa amin.
"Sandali!" sabi ko sa kanya at tumayo sa upuan. Lumapit ako sa kanya.
"Bakit?" tanong nya sa akin.
"Gusto ko lang mag pasalamat sa pag tulong mo sa amin kanina." sabi ko sa kanya.
"Wala yun." sabi naman nya sa akin at tipid na ngumiti. Naka cap ito na kulay black kaya hindi ko masyadong kita ang mukha nito. Tanging ilong at labi lang ang nakikita ko sa kanya. Ang dalawa nyang kamay ay nsa loob ng bulsa nya. Naka jeans sya at naka navy blue na t-shirt.
"Hindi mo ba sya iitaying magising manlang? Alam kong gusto rin ni Erthea na maka pag pasalamat sayo ng personal." sabi ko sa kanya.
Umiling sya, "Hindi na, may gagawin pa kasi ako. Sige mauuna na ako sayo." sabi nya sa akin.
"Okay sige, salamat ulit." sabi ko.
Bumuntong hininga ako. Hindi ko manlang naitanong ang pangalan nya. Pero kahit na ganun salamat sa kanya, kung hindi dahil sa kanya baka napaano na si Erthea.
Pumasok ako sa loob ng kwarto nya at naupo sa isang upuan doon.
Sabi ng doktor hindi naman daw masyadong malala ang lagay nya.
BINABASA MO ANG
Forever With The Vampire
Teen FictionVampire Duology 2 I do not know how in a flash the woman I love disappeared. There is no trace of where she may have gone. There is no one to point out where she is. Four years have passed but I still can't find her. I have been longing for the warm...