Chapter 11

9.7K 372 32
                                    

Erthea's POV

Narito parin kami sa sala at kasama na namin ang girlfriend ni Zac. Aba, magaling pumili si Zac. Maputi ito, makinis ang balat, mamula-mula ang labi, maganda ang mata, wavy ang buhok at mabait.

Niyaya namin sya ni Cassandra na pumunta sa garden ng mansion.

"Doon lang kayo sa garden ha." sabi sa amin ni Daze. Humalik ako sa kanya sa pisngi.

"Yes po. Babalik ako." sabi ko sa aknya at tuluyan nang umalis.

Nang makarating kami sa garden umupo kami sa mga upuan foon at nag simulang mag kwentuhan. Mahiyain si Janelle, ayaw naman namin na mahiya sya sa amin. Or mailang kaya ito kinakausap namin sya.

"So saan naman kayo ang kakilala nitong si Zac?" tanong ni Cassandra dito.

"Ah... Meron kasing isang celebration doon sa bahay ng isa kong friend na friend din pala nya. After nun kinausap nya ako. Hanggang sa ligawan nya ako." tila medyo kinikilig na sabi nya sa amin.

"Yieee! Kinikilig sya!" pang aasar namin sa kanya at lalo syang mamula. Hala ang cute nya bakit ganun?

Madami pa kaming napag usapan na kung ano-ano katulad na lang ng mga hobies nya, mga favorite nya. At kung ano-ano pa. Bumalik na kami sa loob ng mansion at nadatnan namin na masayang nag tatawanan ang mga boys sa sala.






"Oemgeee! Buti naman at gising kana! Nag alala kaming lahat sayo! Ano bang nangyari? Bakit bigla kang nahimatay? Anong nangyari? May nakain kabang hindi mo dapat kinain? Nag palipas kaba ng gutom? Oemgee!" sabi ni Alex sa akin.

Sya- alalang-alala
Kami- hindi alam kung anong nangyayari sa kanya.

"Can someone help her?" tanong ni Xander.

"Jusq naman babe ano bang nangyayari sayo? Mas malala ka pa kay Cindy eh." sabi ni Andrie kay doon sa bruha. At binatukan sya nito. Kakaawa si Andrie sa kanya... Kunin nyo na si Andrie dali! Kakaawa talaga sya kay Alex.

"Baliw! Natural na mag alala ako dyan sa babaeng yan! Besprend ko eh!" sabi ni Alex.

"Naku bruha maupo ka na nga lang muna. Huminahon ka muna ha. Kalma lang." sabi ni Xands sa kanya at sumunod naman ito.





Sino sila??? Ano ba itong mga pumapasok sa isip ko???

Bigla akong napahawak sa ulo ko dahil sumakit ito.

"Uy ano, ayos ka lang ba?" tanong ni Janelle sa akin nang mapansin nya na naka hawak ako sa ulo ko.

"Oo, okay lang ako." sabi ko rito. Hanggang sa inalalayan na nila ako pabalik sa sala. Hindi pa man din kami nakakabalik sa sala ay sinalubong kami ng nag aalalang Daze.

"Anong nangyari? Bakit ka ganyan? Okay ka lang ba?" sunod-sunod nyang tanong sa akin.

"Okay lang ako. Siguro mag papahinga lang muna ako sandali." sabi ko sa kanya. Kaya naman sinamahan nya ako papunta sa isang kwarto sa mansion nila.

Napansin kong kulay asul lahat ng gamit dito. Maging ang pintura ng kwarto. Kanino itong kwartong ito? Kahit na ganoon ay maaliwalas syang tingnan.

"Sige mag pahinga ka muna. Kwarto ko ito, wag kang mag alala. Ikaw pa lang ang unang babae na dinala ko dito sa kwarto ko." sabi nya sa akin. At humiga naman ako sa kamang kulay asul rin. Ah so sa kanya ito?

Tumabi sya sa akin. "Sige mag pahinga kana. Dito lang ako sa tabi mo." sabi nya sa akin sabay halik sa aking noo.













Daze's POV

Ngayong nasa akin kana hinding-hindi na kita papakawalan pa, kahit ano man ang mangyari.

Sabi ko sa isip ko habang tinitingnan ko si Erthea na natutulog.

Parang dati lang ay hanggang titig lamang ako sa iyo. Pero ngayon ito ka sa tabi ko.

-----FLASHBACK----

Namamasyal kaming mag pipinsan sa Kasdeyatopia. Nang makita ko ang isang batang babae. Nilalapitan sya ng mga bampira. Hahakbang na sana ako papunta sa batang babae nang maunahan ako ni... Ashron. Ang lalaking kalaban ko sa lahat. Pati ba naman dito?

-----END OF FLASHBACK-----

Kung sino ang batang iyon? Sya si Erthea. Ang aking mahal. Si Cindy sa mundo ng mga tao. Tama si Cindy at Erthea ay iisa. Matagal ko na syang sinusundan kapag may pag kakataon nalalapitan ko sya pero hindi ko sya kinakausap, dahil si Ashron ay malakas ang pakiramdam.

Nang makita ko si Cindy noon sabi ko sa sarili ko sya na ang babae para sa akin. Ang babaeng mamahalin ko kahit tao sya. Pero nagbago ang lahat ng umiksena si Ashron sa buhay ni Cindy. Wala akong magawa noon kundi ang tingnan lang kung paano sila tumawa. Katulad na lang ng pag punta nila sa isang beach. Naroon din ako. Pero ngayong nasa akin na sya, hindi ko na sya papakawalan, ikamatay ko man.












A/N:

Yung naalala ni Erthea ay nasa chapter 44 ng Living With The Three Hot Vampires.

Ngayon nalaman nyo na kung si Erthea at Cindy ay iisa. Ano pa kaya ang malalaman nyo sa nga susunod na kabanata. Abangan....

+++VOTE, COMMENT AND SHARE+++

-DARLINGBABE_22














Forever With The Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon