Chapter 6

10.8K 540 18
                                    

Ashron's POV



Kasama ko na sina Alex at ang kanyang boyfriend na si Andrie. Si Xands at ang mga pinsan ko dito sa tapat ng bahay ng tatay ni Cindy. Hindi nakasama sa amin si Kaizer dahil may date daw sila ng girlfriend 'nya. Guess who? Si Mika, yung babaeng nakilala daw 'nya sa Laiya. Nung nandito pa si Cindy. 'Sya 'yung babaeng ipinag mamalaki sa amin ni Kaizer kahit crush 'nya pala lamang ito. Get a guy na katulad ni Kaizer.

"Oh ano tara na?" tanong nina Xander. Tumango naman ako sa kanya. 

Tuluyan na kaming nakapasok at ang bumungad sa amin ang isang sala na ramdam mo ang lungkot. Yung feeling na pagkapasok na pagkapasok mo ay ramdam mo na.

"Tito? Tito Michael?" sabi ni Alex at patuloy parin kami sa pag hahanap sa loob.

"Tito?" tawag naman ni Xands. Pero wala kaming naririnig na sagot kahit simpleng kaluskos wala. Tanging mga boses lang namin ang naririnig namin.

Puro sapot na ng gagamba ang bawat sulok ng bahay. Tapos magugulo yung mga upuan, lamesa, mga nag kalat na kung ano-anong gamit. Mukhang matagal na syang hindi manlang nalilinis.

"Umakyat kaya tayo?" tanong ni Harold sa amin na sinang-ayunan naman naming lahat.

Habang naakyat kami sa hagdan medyo tumutunong ito. Siguro dahil sa kalumaan? Naghiwa-hiwalay kami ng kwartong papasukan. Ako ang pumasok sa pinaka-dulong kwarto. Maraming kwarto dito sa taas. Siguro para sa mga bisita if ever na mag-o-over night sila dito? Malawak din naman ang bahay nila eh. Nang makapasok na ako sa loob ng kwarto nakita ko ang isang king size na kama. Isang cabinet na lalagyan ng damit. At isang maliit na cabinet sa gilid ng kama. May napansin akong litrato sa harap ng kama. Litrato ni Michael at isang babae. Siguro asawa 'nya. Kwarto siguro nila itong mag-asawa. May nakita rin akong isang batang naka-ngiti. 'Yung ngiting sobrang saya.

"Ang ganda 'nya." nasabi ko nang mahawakan ko ang litrato. Sya yun.

Matapos niyon ay pumunta ako sa maliit na cabinet sa gilid ng kama at binuksan ito. Wala akong nakita. Pumunta naman ako sa malaking cabinet pero katulad ng maliit wala rin itong laman. Bago ako lumabas ay kinuha ko mula sa frame ang litrato ng bata at nilagay ito sa aking bulsa.

Nang makalabas na ako sa kwartong iyon ay saktong labas rin ng mga kasama ko mula sa mga kwartong pinasukan nila.

"Ano may nakita kayo?" tanong ni Andrie pero lahat kami ay umiling lang sa kanya. 

"Tara na wala naman tayong mapapala dito." sabi ko. At lumabas na kami ng bahay. Dumiretso kami sa van ni Andrie. Umupo ako sa pinaka-dulo. Naalala ko noon nung nag-punta kami sa Laiya. Dito kami naka-pwesto noon ni Cindy. Dito ko 'sya unang nayakap at nahawakan. Sa Laiya ko din 'sya tinanong kung pwede ba akong mang-ligaw.

Ang dami-dami naming memories. Sobrang dami.

Naalala ko noon na galit na galit at inis na inis 'sya sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. Noong una kaming mag-kita nakita ko sa mga mata 'nya ang paghanga nang makita 'nya si Harold. Kaya naman lagi ko 'syang iniinis, para mapansin 'nya ako. Kaso ang ending nag-aaway kami. Pero okay lang 'yun sa akin. Atleast napapansin 'nya ako.

Ilang sandali pa ay dumating na kami sa bahay. Hindi na pumasok sa bahay 'yong tatlo dahil may kailangan pa daw silang gawin, tungkol daw sa school. Simula noong pag kawala ni Cindy ay tumigil kami sa pag-aaral doon. Tinuon namin ang pansin namin sa pag-hahanap kay Cindy. Kaya lang naman kami pumasok doon sa school nila ay para protektahan 'sya, simula noong maramdaman ko ang prisensya ni Chase mula doon sa rooftop ay nabahala ako na baka kung ano ang gawin nila kay Cindy.

Naka-upo kaming mag-pipinsan dito sa sala. Tahimik.

"Ano na ang sunod nating gagawin? After nating hanapin ang tatay 'nya, ano na ang sunod?" tanong ni Harold.

"Hindi ko alam." sabi ko. Totoong hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Nababaliw na ako kaiisip. Nasaan ba 'sya, Okay lang ba 'sya. Maraming tanong sa isipan ko na hindi ko masagot.

"Tanungin kaya natin ulit si Duke?" sabi naman ni Xander. Medyo umiling ako.

"Ayaw ko muna. Masyado na tayong umaasa sa kanila." sabi ko naman.

"Eh paano 'yan?" tanong 'nya ulit. Hindi muna ako sumagot sa kanya. 

"Pumunta na lang muna tayo ng Kasdeyatopia." biglang sabi ni Harold kaya naman awtomatiko kaming napatingin sa kanya ni Xander.

"Bakit naman tayo pupunta doon?" tanong ni Xander sa kanya na ngayon ay naka pangalumbaba sa hita nya. 

"Wala. I just want to go there. Gusto kong makita sina mama at papa. Matagal-tagal na rin ang huli nating punta doon." sabi 'nya naman. Oo nga huling punta namin doon ay three years ago pa. Siguradong may iilang nagbago sa Kasdeyatopia. Iilan lang ang magbabago dahil masyadong busy ang nga bampira sa Kasdeyatopia. May kanya-kanya silang mundo. Wala silang paki-alam sa ibang bampirang nasa paligid nila. In short mahalaga ang oras para sa kanila. Ganun din naman kaming mga Villacerlyn lalo na ang papa ko. Si Carson Villacerlyn, sya ang kasalukuyang namumuno sa Kasdeyatopia simula ng mamatay ang lolo naming tatlo. Kung bakit tatlo kaming prinsepe ng Villacerlyn? Dahil tatlo kaming lalaki. Sa aming tatlo mamimili ng susunod na mamumuno sa Kasdeyatopia. Kahit na tatay ko pa ang namumuno hindi ibig sabihin niyon ay ako na ang susunod na mamumuno. Depende parin iyon sa mga mamamayan ng Kasdeyatopia.

"Paano ang pag hahanap natin?" tanong ko sa kanila. Hannga't maaari ayaw kong umalis dito sa mundo ng mga tao. Dahil paano na lang kung bumalik si Cindy? Gusto ko ako ang unang sasalubong sa kanya sa oras na makabalik syang muli.

"Hindi muna tayo mag hahanap sa ngayon. I think Ashron, you need to rest muna. Siguradong gusto kang makita nina tito Carson at tita Beatrize." sabi 'nya sa akin.
"For sure ikaw din Xander gusto ka na din makita ni Tito Aldrin at Tita Mariel." sabi naman ni Harold kay Xander at tumango naman si Xander dito.

Gusto kong makita sina mama at papa pero ayaw kong itigil ang pag-hahanap kay Cindy.

"Makipag communicate na lang muna tayo kila Duke habang nandoon tayo." sabi ni Xander. Um-oo na lang ako sa kanila. Bukas daw kami babalik sa Kasdeyatopia. At si Xander naman daw ang makikipag usap kay Duke. Sa totoo lang nahihiya na ako kila Duke at Barett, dahil sobra-sobra na ang tulong nila sa amin. Sinabihan ko sina Alex na uuwi muna kami sa Kasdeyatopia pero babalik din kami agad.








A/N:

Waahhhhh! Maraming salamat po sa 108 reads at 30 votessss! Nasa #663 na tayo sa teen fiction!!!

Thank you!

+++VOTE, COMMENT AND SHARE+++

-DARLINGBABE_22














Forever With The Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon