Chapter 33

8.5K 239 6
                                    

Chase's POV



Nagising ako dahil sa pag kurot ni Cassandra sa pisngi ko.

"Oi honey, gising na tirik na ang araw tulog ka pa din dyan." sabi nya sa akin. Kinukurot parin nya ang pisngi ko pero hindi ako nag mumulat ng mata.

"Nag luto na ako ng breakfast kaya gumising kana 'dyan kakain na tayo." dagdag pa nya. Peto imbis na sumagot ay hinila ko sya pahiga at niyakap.

"Mamaya na ako babangon.." I said with husky voice.

Puyat pa ako dahil kagabi sa paguusap namin ng mga pinsan ko sa hide-out namin.

"Ihhh! Chase naman, tara na lalamig na ang pagkain natin." sabi nya pa ulit sa akin.

"Hmm.."

"Chase.." pag seryoso ng tono ng boses nya.

"Oo na, wait lang susunod na ako." sabi ko sa kanya.

"Yown! Una na ako sa baba ah!" sabi nya sa akin at hinalikan muna ako sa pisngi bago bumaba.

FLASHBACK


Kakatapos lang naming mag-usap-usap na mag pipinsan sa aming hide-out. Bago kami sumakay sa kotse pauwi ay tinanguan ko si Zac, tumango din ito sa akin.

Ang buong akala ni Daze ay diretso uwi na kaming dalawa ni Zac pero nag kakamali sya dahil may pag uusapan pa kami ni Zac.

Tiniyak muna namin ni Zac na nakauwi na si Daze bago kami bumalik sa hide out.

"Ano ba ang pag uusapan natin dito?" bungad na tanong sa akin ni Zac ng makabalik kami doon.

Umupo muna ako sa upuan bago sumagot sa kanya.

"About kina Daze at Cindy." sabi ko naman.

"Anong meron sa dalawang iyon?" tanong nya ulit.

"Alam naman nating dalawa na hindi papayag si Daze na makipag sabwatan sa atin para makuha ang trono diba?" panimula ko.

"Hindi sya papayag na gawin nating pain si Cindy para sa mga Villacerlyn. Kaya naman ito ang plano..."
Sabi ko samantala si Zac ay patango-tango lang at nakikinig.

"Ki-kidnapin natin si Cindy at mag papatay malisya tayo kapag tinanong nila tayo." paliwanag ko sa plano.

Nakita ko namang kumunot ang noo ni Zac at napalitan ng nag-aalalang itsura.

"Pero paano kapag nalaman nila nag totoo? Anong gagawin natin?" nag-aalalang tanong nya sa akin.

"Ako na ang bahala doon basta ipangako mong susunod ka sa lahat ng sasabihin ko at sa plano natin. Sinisigurado kong sa oras na makuha muli natin ang trono ay isa ka sa magiging makapangyarihang bampira dito sa buong Kasdeyatopia." sabi ko pa sa kanya kaya naman naka-hinga sya ng maluwag.

"Oh sya sasabihan na lang kita kung kailan natin isasagawa ang plano mauuna na ako dahil kay Cassandra, baka magising yun at hanapin ako." pag papaalam ko sa kanya at tumango naman sya sa akin.

END OF FLASHBACK

Bumaba na ako papunta sa kusina kung saan naabutan ko si Cassandra na inaayos ang kakainin namin.

"Oh tara na kumain tayo pero wait lang kasi aayusin ko pa ito." sabi nya sa akin nang makalapit na ako sa kanya.

"Ako na dito pumunta kana doon sa lamesa." sabi ko naman sa kanya. Alam kong sya lang ang nag luto nito dahil wala naman kaming katulong dito eh. At alam ko rin na maaga syang gumising para ihanda ang mga pagkain na ito.

"Hindi na ako na dito, doon ka na." sabi nya sa akin.

"Dito na lang ako ayaw mo akong patulungin eh." sabi ko naman sa kanya kaya naman bahagya syang natawa.

"Oo na ang kulit mo eh." sabi nya pa.

After nyang maayos ang mga pagkain ay dumiretso na kami sa dining table.

"Nga pala saan ka nag punta kagabi? Naalimpungatan kasi ako tapos nakita kong wala ka sa tabi ko." biglang tanong sa akin ni Cassandra. Nabilaukan ako kaya naman dali-dali nya akong pinag salin ng tubig.
"Oh ano ayos ka lang? Dahan-dahan lang kasi." sabi nya sa akin.

"A-Ayos na ako... S-Sa cr ako galing nun." pag sisinungaling ko sa kanya.

Sorry honey, hindi ko pwedeng sabihin sayo eh. Para na din sa kaligtasan mo ito. At alam kong hindi ka papayag once na sinabi ko sayo ang bagay na 'yon.

"Kaaway nyo ba yung mga Villacerlyn?" biglang tanong na naman ni Cassandra pero hindi na ako nabilaukan.

"Bakit mo naman tinatanong?" tanong ko din sa kanya. Bakit ba sya nag tatanong ng mga ganyang bagay?

"Wala lang gusto ko lang tanungin, napansin ko kasi na mainit ang mga mata nyo sa isa't isa. Sorry ah nag tatanong ako, wag mo na lang pansinin." sabi nya at parang nag tatampo na sya. Aishhh.

"Okay sige mag tanong ka lang, tatampo ka agad eh." sabi ko sa kanya at parang nag liwanag naman ang mukha nya.

"So kaaway nyo nga ang mga Villacerlyn?" pag uulit nya sa tanong nya sa akin kanina.

"Oo? Simula kaai mga bata pa lang kami mainit na ang mata ng mga pamilya namin sa isa't isa, hanggang sa ayun lumaki kami ng ganito, mag kaaway." sagot ko naman sa kanya habang sya at napatango-tango naman sa sagot ko.

"Eh bakit naman kayo mag kaaway? Ano ang dahilan?"

"Sa pamumuno dito sa Kasdeyatopia." sagot ko.

"Ohhh... Uhmmm... Dito ba talaga sila nakatigil? I mean hindi sila naalis dito sa Kaadeyatopia?" tanong ulit ni Cassandra.

"Dati umalis sila dito, nag punta sila sa mundo ng mga tao."

"Ehhh?? Bakit hindi ko sila nakita doon? Sabagay malawak nga naman ang mundo ng mga tao."

Kalahating bampira lang si Cassandra at naranasan na nyang makapunta sa mundo ng mga tao. Bale doon sya lumaki pero dahil nakilala nya ako ayun sumama sya sa akin papunta dito sa Kasdetopia.

"Marami ka pa bang tanong?" taning ki sa kanha.

"Isa na lang may naging girlfriend na ba yung tatlo?" taning nya.

"Bakit gusto mo sila?"

"Hindi ah! Tinatanong ko lang ikaw naman. Ikaw lang ang lab ko noh." sabi nya sa akin. Wushuuuu....
"Si Ashron oo sa mundo ng mga tao si Cindy----" oh fuck! Nadulas ako! Taena!

"Cindy?"

"Huh? C-Cindy? Wala naman aking s-sinabing Cindy ah." sabi ko. Shewt.

"Meron kaya." sabi nya pa.

"Wala kaya, baka guni-guni mo lang 'yon dahil ang sabi ko Lesly." pag sisiningaling ko.

"Ah Lesly ba? Bingi na ata ako." sabi nya at bahagya pang tumawa.

After nun hindi na sya nag salita pa at ganun din ako. Kaya naman kumain na lang ako. Nang matapos kaming kumain ay iniligpit nya ang aming pinag kainan.

Forever With The Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon