Cindy's POV
It's been 5 months matapos ang tagpong iyon sa isang abandonadong bahay. Sa loob ng limang buwan na iyon hindi ko pa din matanggap ang nangyari. Sa araw na iyon namatay ang mahalagang tao sa buhay ko. Na nag alaga sa akin, na nag mahal sa akin... Hindi ko pa rin natatanggap... Pero wala na akong magagawa... Nangyari na iyon at hindi ko na maibabalik pa...
Narito ako ngayon sa sementeryo para dalawin sya. Mas minabuti naming dito na lang sya ilibing dahil dito sya namatay, sa mundo namin... Mundo ng mga tao. Maraming nagulat sa pag kamatay nya at ang iba ay hindi maka paniwala. Na parang isang bangungot lang ang lahat... Sana nga bangungot na lang lahat ng pangyayaring iyon.
Bumagsak ang luha ko sa lapida...
"Alam mo miss na kita... Miss ko na ang mga tawa mo... Yung pag luluto mo ng pagkain para sa akin... Yung pag aalaga mo sa akin... Yung pag mamahal mo... Lahat-lahat miss ko na sayo...." sabi ko habang lumuluha... Ngayon ko lang nailalabas lahat ng luha ko dahil ayaw kong ipakita sa kanila... Ayaw kong makita nila akong ganito.
~FLASHBACK~
Nang makarinig ako ng putok ay agad akong nabuhayan ng loob na sana si Ashron na iyon. At hindi nga ako nag kamali... Si Ashron nandito sya! May ilang putok pa ng baril ang narinig ko nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking mag liligtas sa akin.
"Ashron!" sigaw ko nang makita ko sya.
Kaagad syang lumapit sa akin at inalis ang mga tali sa katawan ko sabay yakap sa akin.
"Ssshhh it's okay now, love. Nandito na ako at ligtas kana... Hussshh now, love." sabi nya sa akin. Hindi ko na mapigilang hindi lumuha kaya hinaplos-haplos nya ang ulo ko na sya naman naka pag pagaan ng loob ko. Sa mga yakap nya pakiramdam ko ay ligtas na ako. Na wala ng makakasakit pa sa akin.
"A-Akala ko... Akala ko hindi mo na a-ako m-makikita." sabi ko sa pagitan ng pag iyak ko.
"No love... Kanina ko pa hinihintay ang reply mo doon sa mga messages ko sayo pero you don't respond. Nag patulong ako kay Duke para malaman kung bakit 'di ka nag respond sa mga messeges ko and then nakita nga namin na nadukot ka ulit..." kwento nya sa akin kaya lalo akong napaiyak. Salamat kay Duke... Kung hindi dahil sa kanya hindi ako makikita nina Ashron.
Lalabas na sana kami sa kwarto nang makita ko si Chase sa pintuan at pinutukan si Ashron ng baril. Hindi ko nagawang sumigaw dahil sa pag kabigla. Napayakap sa akin si Ashron ng matamaan ulit sya ng dalawa sa likod. Ako ang puntirya ni Chase. Pero iniharang ni Ashron ang sarili nya para maprotektahan ako.
"Hindi ko hahayaang mabuhay kayo! Mamamatay kayo at sa amin ang korona!" sigaw ni Chase. At binaril ulit ni Chase si Ashron. Una-unahang bumagsak ang luha ko. Gustuhin ko mang sumigaw ay walang lumalabas sa bibig ko! Sa mga oras na iyon gusto ko ding patayin si Chase! Gustong-gusto!
Sunod-sunod ng putok ng baril ang nakita ko at lahat ng iyon ay tumama kay Chase. Sina Xander at Harold ang nag paputok.
Humugot ako ng lakas ng loob para sumigaw.
"Ashron!" sigaw ko. Tumingin sya sa akin habang yakap-yakap ko sya. At may sinabi sya 'I love you...' kahit wala iyong tunog alam kong iyon ang sinabi nya. Umiyak ako. Unti-unti na akong nag pa-panic.
"Ashron! Sh*t wag kang tutulog, okay?! Xander! Harold! Tulong si Ashron!" sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit nakuha ko pang sumigaw ng ganong kalakas, dala siguro ng pag pa-panic ko.
Agad na binuhat ni Harold si Ashron at dinala sya nito sa sasakyan nila. Ako at si Ashron ang nasa backseat. Ang ulo nya ay naka higa sa hita ko. Samantalang sina Harold at Xander ang nasa unahan. Si Harold ang nag mamaneho ng kotse. Walang masyadong sasakyan ngayon kaya ayos lang na itodo ni Harold ang bilis ng sasakyan nila.
BINABASA MO ANG
Forever With The Vampire
Genç KurguVampire Duology 2 I do not know how in a flash the woman I love disappeared. There is no trace of where she may have gone. There is no one to point out where she is. Four years have passed but I still can't find her. I have been longing for the warm...