Chapter 51

8.8K 242 28
                                    

The Reunion Pt. 2

Cindy's POV

"OH ano nasaan na kayo?" tanong ni Kaizer sa kabilang linya. Aligaga ako sa pag aayos ng mga damit namin ni Ashron. Arrgghh! Bakit ba kasi ang kalat nya sa damit?!

"Oo na wait lang. Inaayos ko lang itong mga damit namin ni Ashron." sabi ko naman sa kanya. Napa hinga na lang sya.
"Sorry ah. Mauna na lang kayo sa beach tapos susunod na lang kami. May sasakyan naman kami eh." sabi ko sa kanya.

"Eh paano sina Harold at Xander?  Sa inyo na sasabay?" tanong nya.

Isinasalampak ko pa yung mga gamit ko sa bag na dadalhin namin. Si Ashron ay nasa labas at inaayos na ang mga pag kain na dadalhin namin. Kaasar talaga dapat ako ang nag hahanda ng pagkain hindi sya! Ang burara kasi sa gamit!

"Sa inyo nyo na pasabayin. Van naman yang dala nyo ah. Gawa kasi nung mga pagkain alangan namang ilagay namin sa likod ng kotse. Tapos ang dami pa nyang damit, jusko." paliwanag ko sa kanya. Isuzu  D-Max ang sasakyan namin. Kami kasi nina Harold, Xander at itong si Ashron ang naka assign sa pagkain naming lahat. Okay lang naman iyon sa akin kasi marurunong naman kaming mag luto.

"Naku ang sabihin mo gusto mong masolo si Ashron!" pag aasar nya sa akin.

"Baliw! Bye na nga aayusin ko pa mga gamit namin." sabi ko sa kanya at in-end na ang call.

Bumalik ako sa pag aayos ng mga gamit namin. Napaka balahura talaga ng lalaking iyon! Argh!

Nang matapos ako ay bumaba na ako sa kusina para puntahan sya.

Naabutan kong nag luluto pa sya ng Adobo.

"Nandyan ka pala..." puna nya sa akin.

"Tumawag nga pala si Kaizer sabi ko mauna na sila kasi mukhang matatagalan pa tayo. Inasar pa ako ng baliw, tsk." sabi ko sa kanya. Naka tutok ako sa pag luluto nya.

Sina Harold at Xander ay nasa labas para hintayin itong sina Kaizer. Sabi ko kasi sa kanila sumabay na sila kila Kaizer dahil nga sa mga dala naming pagkain. Tirik na tirik kasi ang araw ngayon kaya hindi namin sya pwedeng ilagay sa likod ng sasakyan. Kung isasama namin sila sa kotse hindi kami mag kakasya talaga.

"Ano naman ang inasar sayo?" tanong nya sa akin habang nag luluto sya.

"Bakit daw ayaw nating isabay yung dalawa sabi ko gawa kasi ng mga pagkain hindi mag ka-kasya. Sabi nya gusto lang daw kitang masolo *pout*" sabi ko sa kanya.

"Bakit hindi ba?" tanong nya sa akin. Naka smirk sya sa akin ngayon habang ako naman ay namumula. Gosh! Bakit ako namumula?!

"H-Hindi kaya..." sabi ko at nag iwas ng tingin.

"Nakuuu... Eh bakit ka nabubulol at namumula huh?" pang aasar nya pa.

"Hindi naman kasi talaga." sabi ko sa kanya.

"Hindi daww..." sabi nya. Tiningnan ko sya ng masama.

"Okay sige. Hindi na." sabi nya sa akin kaya napatawa ako ng mahina. Takot ka naman pala eh.

Maya-maya pa ay natapos na sya sa pag luluto. Nilagay nya lahat ng gamit sa sasakyan. Sabi ko sa kanya ay tutulong ako sa pag lalagay sabi nya wag na daw kasi mahihirapan ako tsaka masyadong mabibigat. Syempre nag blush ako. Ang sweet kaya.

"Oh ano tara na?" tanong nya sa akin matapos ilagay ang mga pagkain at gamit namin sa sasakyan.

"Oo tara na baka kasi kanina pa silang nag hihintay doon." sabi ko sa kanya. Ngumiti sya akin at iginaya na ako papasok sa kotse.

Forever With The Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon