Chapter 21

8.9K 272 29
                                    

Ashron's POV

"May balita na ba ulit kayo kay Cindy?" tanong ko kay Barett ng bigla syang tumawag sa akin.



"Wala pa nga eh."


"Oh, eh bakit ka tumawag sa akin?" tanong ko.


"Sasabihin ko na pupunta kami ni kuya dyan sa Kasdeyatopia." sabi nya sa akin.


Narito ako sa kwarto ko at nag babasa ng libro. Ewan ko ba kung bakit may libro dito sa kwarto ko. Hindi naman ako masyadong mahilig sa pag babasa ng libro. Binasa ko sya kasi wala akong magawa ngayon. Sawang-sawa na ako sa pag mu-mukha ng mga pinsan ko, kaya ayaw ko silang makasama ngayon. Sawa na ako sa kalandian nila. Tss.


"Hello? May kausap pa ba ako?" bumalik ako sa katinuan nang mag salita ulit si Barett.


"Uhh, sorry. May iniisip lang ako." sabi ko.


"Sino si Cindy?" tanong nya.

"Hindi. So bakit kayo pupunta dito sa Kasdeyatopia? Nandyan parents nyo sa mundo ng mga tao 'di ba?" sabi ko sa kanya. Tanda ko kasi mag kakasama na silang lahat doon. Pero baka babalik din yung parents nila dito, kasi may business din sila dito.


"Duh! May party 'di ba?" medyo nilayo ko yung cellphone ko nung sinabi nya yung 'Duh!' masyadong malakas. Mag katulad sila nina Xander at Harold, maiingay. Tss.


"Eh ano naman kung may party?"


"Syempre!---"


"Hinaan mo nga ang boses mo nakakabingi kang kausap." sabi ko sa kanya.



"Sorry naman, kasi nga hindi pwedeng wala itong mukha ko dyan sa party! Hindi sila makakakita ng gwapo!" sumigaw na naman sya. Tss. Katulad na katulad sya ng mga ugok kong pinsan. Tss. 


"Pake ba nila kung hindi nila makita mukha mo? Tss. Hindi naman talaga nila makikita 'yang mukha mo. Pandak ka eh." sabi ko sa kanya.



"Hoy! Anong pandak?! Hindi ako pandak! Cute size ako! Cute size!" sabi nya sa kabilang linya. Diniinan nya yung 'cute' na word.


"Whatever..." sabi ko na lang.


"Bahala ka nga dyan! Bye!" sabi nya at pinatay ang tawag.



Ibinababa ko na ang cellphone ko at napailing na lang dahil kay Barett. Tss. Cute daw... Isa lang naman ang kilala kong cute eh, si Cindy.



Miss ko na sya! I damn miss her!


Malaman ko lang kung nasaan sya at kung may kumuha sa kanya, hindi na sisikatan pa ng araw.
Tss.


Bukas na ang party kaya naman busy na busy ang mga tao dito sa mansion ngayon, dahil dito gaganapin ang party. Panigurado naman na kasya lahat ng mga bampira dito sa mansion, sa laki ba naman nito ewan ko na lang kung hindi pa mag kasya.



Anong oras na ba?


Tiningnan ko ang orasan ko at nakita kong alas-dos na ng hapon.



Hahawakan ko na sana ang libro para mag basa ulit nang tumunog ang cellphone ko.



"Sino na naman ba 'to?" inis kong tanong at kinuha ang cellphone ko.


Nakita kong sa GC (group chat) namin yung ginawa dati nila Kaizer para sa aming lahat. At nag vi-video call sila.


No choice ako kundi sagutin ang tawag nila. Kapag kasi hindi ko sinagot, tutunog ng tutunog cellphone ko. Ayaw ko nang mabato ang cellphone ko, nauubos pera ko.


Forever With The Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon