Chapter 10

10.2K 385 153
                                    

Erthea's POV

"Can I court you, Cindy Mae Villacorta?" tanong nya sa akin habang habang naka luhod sa harapan ko.

"Ashron..." sabi ko.

Dahan-dahan akong tumango sa kanya.

"Yes ba 'yan?" tanong nya sa akin.

"Oo yes ito." natatawa kong sabi.









Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip ko. Bangungot ba iyon? Bakit laging sya ang nasa panaginip ko? Halos araw-araw na. At Ashron ang pangalan nya. Sino ba talaga sya? Ano ang koneksyon nya sa akin? Tsaka ano yung panaginip na iyon? Totoo ba iyon o bangungot? Pero imposible dahil may asawa ako. Tss. Tsaka anong Cindy Mae Villacorta? Ako ba ang sinasabihan nya niyon? Pero hindi ako si Cindy... Ako si Erthea Villaroel.

Nagulat ako nang mag salita ang asawa ko sa aking tabi.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka bumangon?" tanong nya sa akin sabay kusot ng kanyang mga mata. Tiningnan ko ang orasan at alas-tres pa lamang ng madaling araw.


"W-Wala..." sabi ko sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko parin sinasabi sa kanya ang nga panaginip ko. Hindi ko alam, may side sa akin na gusto kong sabihin sa kanya para mawala na pero may side din sa akin na ayaw dahil sa hindi malamang dahilan.


"Nagugutom kaba? Bababa ako ikukuha kita ng foods." sabi nya sa akin at akmang tatayo sa kama pero hinahawakan ko ang braso nya at napatingin naman sya sa akin.


"No. 'Wag na. May napaginipan lang ako. Pero okay na ako. Matulog na ulit tayo." sabi ko sa kanya. Bahagya syang lumapit sya sa akin at tinitigan ako ng mabuti.


"Sure ka okay ka lang? Anong panaginip?" tanong nya sa akin.


"Hindi wala ito. Oo okay lang ako. Matulog na ulit tayo." sabi ko sa kanya at ngumiti.


"Sige. Pero bago yan may goodnight kiss ako sayo." sabi nya sa akin sabay halik sa noo ko. Kahit paano naman ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Tulog na tayo." sabi nya at humiga kaming muli. Ilang sandali pa ay nakatulog na ako.















"Good morning, darling..." bati sa akin ng asawa nang maimulat ko ang mga mata ko. Wow kung ganito ba naman araw-araw ang bubungad sayo eh. Ang sarap sa pakiramdam.

"Hmmm... Good morning din." bati ko habang bumabangon sa kama. Pero maya-maya pa ay pinigilan nya ako ng akmang tatayo ako at pupunta sa cr para mag hilamos at bumaba sa dining area ng bahay namin.

"Breakfast in bed. Ako ang nag luto ng mga yan. Kaya sana magustuhan mo, kahit na hindi ako magaling magluto." sabi nya sa akin sabay kamot sa ulo nya na parang nahihiya sa akin. Hinawakan ko ang baba nya at pinaharap sa akin.

"Okay lang kahit hindi yan masarap, basta luto mo okay lang." sabi ko sa kanya at hinalikan ko ang ilong nya.

Nag simula na akong kumain ng breakfast in bed na gawa ng asawa ko.

Ilang sandali pa ay nag ring ang cellphone nya at nag paalam sa akin na sasagutin lang nya sandali.

"Why?" rinig kong tanong nya sa kausap nya.
"Sige, sige, susunod na kami." sabi nya at pinatay ang tawag.

"Sino yun?" tanong ko sa kanya nang makabalik sya sa pwesto nya kanina. Kinuha ko ang tubig at uminom.

"Si Zac, punta daw tayo sa mansion may handaan daw." sabi nya sa akin.

Forever With The Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon