Ashron's POV
Ilang araw na ang nakalipas simula noong pumunta kami sa tree house namin nila Xander at Harold. Yeah it's been so many years bago kami naka bisitang muli doon. Thank God at hindi pa sya naisisira. Matibay ang pag kakagawa eh.
Punong puno ng magagandang memories ang tree house iyon. Everytime na pinapagalitan kami ng mga magulang or ni lolo doon kami napunta. Nakaka relax ang lugar. Mahangin, maaliwalas, at makakapag relax ka talaga ng ayos. And everytime na kukunan kami ng picture mula sa camerang pag mamay ari naming tatlo ay nilalagay namin dito.
This tree house is so important to me, to my future kids gagawan ko rin sila ng ganito.
Kasalukuyan kaming narito sa opisina ng aking lolo. May office din kasi si lolo kahit hindi na sya ang former king ng Kasdesyatopia. Hindi kalayuan mula sa office ni papa.
Kasama ko ang mga pinsan ko at tanging kaming apat lamang ang nasa loob.
Kanina habang nasa kwarto ako tinawag ako ng isa sa mga maid na pinapapunta daw kaming tatlo sa office ni lolo. At pag dating ko dito kanina nauna na pala ang dalawa.
Ano naman kaya ang dahilan at pinapunta kami ni lolo sa office nya?
Close naman kaming apat pero dati yun... Hindi ko alam kung ganun pa rin katulad ng dati. Pero sana ganun pa rin...
"Oh buti naman at naka balik na kayo dito sa Kasdeyatopia. Ilang taon din kayong wala dito kaya ilang taon din akong walang kakukulitan." sabi sa amin ni lolo at tumabi sa aming mag pipinsan sa upuan.
Bahagya akong napa ngiti dahil close pa rin kami. Close katulad ng dati.
"Naku naman itong lolo! Bumalik kami para sa inyo noh!" sabi ni Xander sa kanya at ngumiti ng pag kakalaki. Masaya sya? Alangan naka ngiti eh.
"Para sa akin ba talaga? Nako alam kong umiibig na kayo sa mundo ng mga tao lalo kana Ashron." sabi nya sa amin sabay tingin sa akin. "Alam kong may nililigawan kana doon. Sino ba ang malas na babaeng ito?" tanong ni lolo sa akin.
"Lolo naman anong malas?" tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang dalawa kong pinsan na nag pipigil ng tawa. Mamaya kayo sa akin na tingin ang ibinigay ko sa kanila."Aba'y hindi ba sya malas? Jusko naaalala ko nung mga bata pa kayo napaka lampa mo, sa inyong mag pipinsan ikaw talaga ang pinaka lampa. Dapa dito, daoa doon. Dapa na lang everywhere. Hayst. Paano na lamang ang mga magiging anak ninyong dalawa? Jusmiyo sana ay hindi magmana sa iyo ang bata, nakakaawa." sabi ni lolo sa akin ng walang pag aalinlangan at tila dismayado. Lolo ko ba ito? Yung totoo? Hindi ko feel na lolo ko ito. Jusko.
At tuluyan na ngang tumawa na nga ang dalawa kong ugok na pinsan.
"Lolo naman ih!" sabi ko dito. At tumawa lamang sa aking inasal si lolo. Kaya naman natawa na rin ako kaya sabay-sabay kaming tumawa. Napuno ng tawanan ang office ni lolo.
"Kaya wag kang mag aanak Ahsron!" sabi sa akin ni Xander sinamaan ko sya ng tingin.
"No way cousin. Paano ko na lamang maipapamana ang ka gwapuhan kong ito kung hindi ako mag aanak?" mayabang kong tanong dito at agad namang napangiwi ang dalawa kong pinsan.
"'Yan ang gusto ko sayo Ashron! Tama lamang iyan! Ikalat mo ang ating lahi! Ngunit huwag ang iyong ka lampahan." sabi sa akin ni lolo. Okay na sana eh. Okay na eh, sablay kang sa dulong part. Do they need to mention it? Yes I admit, clumsy ako since birth pero look at me now. Sinong clumsy ang sinasabi nyo ngayon?
At naniniwala ako sa isang kasabihan! Lampa man ako sa inyong paningin tumingin ka sa aking mukha siguradong mag lalaway ka rin!
Boom!
So okay enough na.
"Sino nga itong babaeng ito?" tanong ulit ni lolo sa akin.
"Si Cindy po." sabi ko rito.
"Gusto ko sana syang makilala, pero sabi ni papa mo wala raw sya. May I know why?" tanong ni lolo sa akin. Bahagya akong tumingin kay lolo. Huminga muna ako ng malalim at nag salita.
"Umalis sya. Umalis sya ng walang paalam sa akin----sa aming lahat. And I don't know her reason. Iniisip ko palagi kung ano yung nagawa kong mali o kasalanan kung bakit sya umalis." sabi ko.
"Ashron tandaan mo. Hindi palaging ikaw ang mali kapag umaalis ang isang tao. Siguradong may dahilan sya kung bakit sya umalis." sabi ni lolo sa akin. Tahimik at nakikinig lamang sa amin ang dalawa kong pinsan.
"Pero kasi lolo hindi sya nag sabi eh. Halos mabaliw na ako kaiisip." sabi kong muli.
"Sa tingin mo ba kung mag sasabi sya na aalis sya papayag ka ba? Hindi diba?" at tumango ako sa sinabi nya sa akin. "May dahilan ang kung bakit nangyayari sa inyo ito ngayon. Wag ka lamang susuko agad. Hindi ko kayo pinalaking mahina. Mga Villacerlyn kayo. At kapag Villacerlyn."
"Hindi sumusuko." sabay-sabay naming sabi ng mga pinsan ko.
"Maiba ako. Kaya ko kayo pinatawag dito sa office ko dahil may gaganapin tayong isang pag diriwang na nakagawian ng mga taga Kasdesyatopia noon pa man. This is a celebration of the 200th founding anniversary ng Kasdeyatopia." sabi ni lolo sa amin. Ah okay ngayong linggo na nga pala iyon. Nakalimutan ko na.
"Eh saan naman po gaganapin?" tanong ni Harold.
"Dito sa ating mansion." sabi naman ni lolo. Napatango na lamang kaming tatlo.
"Edi lahat pupunta dito?" tanong ko. Tumango si lolo.
"Kasya naman siguro tayong lahat dito eh. Isa pa mansion natin ang pinakamalaking mansion sa lahat ng mansion dito sa Kasdeyatopia." sabi ni Xander. Puro mansion lang ang naintindihan ko sa sinsabi nya.
Wala talaga akong kahilig hilig dyan sa mga ganyang celebration. Lalabas na lang ako sandali at mag papakita sa mga bisita. Mas gusto ko pang mag stay sa kwarto ko.
Marami pang nasabi si lolo at lahat daw kami kailangan naka mask doon. Tss for sure yung iba may dalang ka date. Tapos ako wala? Kaya mas maganda talagang mag stay na lang ako sa kwarto ko.
A/N:
Lahat pupunta? Mag kikita ang lahat ng bampira? Nasa isip nyo ba ang nasa isip ko ngayon? Tingnan natin kung tama nga iyang nasa isip ninyo.
Salamat sa inyong pag babasa!
Please VOTE, COMMENT AND SHARE.
-DARLINGBABE_22
BINABASA MO ANG
Forever With The Vampire
Teen FictionVampire Duology 2 I do not know how in a flash the woman I love disappeared. There is no trace of where she may have gone. There is no one to point out where she is. Four years have passed but I still can't find her. I have been longing for the warm...