Erthea's/Cindy's POV
Kakauwi ko lang galing sa tree house nung tatlong bampira. Ang saya-saya namin kanina. Hinatid ako ni Cassandra pauwi dito sa bahay namin ni Daze. Tinaong ko sya kung diyo sya matutulog ngayon gabi dahil paminsan-minsan dito sya natutulog para bantayan ako habang wala si Daze pero sabi nya hindi daw kasi may importante syang gagawin. Kaya ko namang mag-isa dito sa bahay. Dahil lagi lang naman akong nasa kwarto namin ni Daze, baba lang ako kapag kukuha ako ng pagkain ko.
Kanina sa tree house nung tatlo sobrang saya namin. Natakot nga ako dahil talon ng talon sina Xander at Harold, siguro dahil sa saya. Natakot ako kasi baka mamaya bumigay yung tree house sa katatalon nila. Sobrang saya ko kanina dahil nakumpleto ulit kami after three years. Ganun pa din sila makukulit at sobrang matatakaw. Nakumpleto ulit kami kanina na parang katulad lang ng dati nung nasa apartment ko pa kami.
Pero habang mag kakasama kami ay hindi ko maiwasang hindi isipin si Daze. Kung nasaan sya ngayon, kung nakakain ba sya ng ayos, kung kamusta na ba sya. Syempre kahit na sya ang dahilan ng pag kakawalay namin ni Ashron at ng mga kaibigan ko ay nag aalala parin ako sa kanya. Dahil aa loob ng tatlong taon na 'yon itinuring nya akong tunay na asawa, minahal din nya ako. Hindi ko man nasuklian ang pag mamahal nya laking pasasalamat ko sa kanya dahil inalagaan nya ako at hindi pinabayaan.
Madilim na sa labas at siguro mag e-eleven na ng gabi. Dumiretso ako sa kwarto namin ni Daze upang mag palit ng damit.
After kong mag palit ng damit ay bumaba ako para mag timpla ng kape. Kung yung iba hidni makatulog kapag nag ka-kape, ako baliktad. Nakakatulog ako kapag nainom ako ng kape sa gabi. Ininom ko yung kape ko at umakyat na ulit ako sa kwarto.
Kinuha ko muna nag cellphone ko at nag text kay Ashron ng 'Goodnight, love... Sweet dreams... I always love you...' hindi ko na inantay ang reply na at ipinikit ko na ang mga mata ko.
*Boooggsshh*
Agad kong minulat ang mga mata ko. Ano yun? Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Ano yung nabagsak? Wala namang pusa dito ah, wala din namang aso. Sino ang may gawa nun? Baka mag nanakaw?! Sh*t! Bumaba ako sa kama ko at binuksan ang isang drawer doon, kinuha ko ang flashlight. Ayaw kong buksan ang ilaw ng kwarto dahil mahirap na baka makita ako.
Wala pang isang oras ng tulog ko tapos may ganito?! Jusko!
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto. Ingat na ingat ako dahil baka mag likha ito ng ingay. Naka hinga ako ng mluwag nang mabuksan ko iyon ng walang ingay. Dahan-dahan ako sa pag lalakad ko.
Nang maka punta ako sa baba ay tsaka ko binuksan ang ilaw ng flashlight. Pumunta ako sa sala pero wala namang nahulog doon. Kaya pumunta naman ako sa may kusina at.... Nakita kong nahulog ang isang kaserola doon. Sino namang nag hulog nito? Jusko ah, buti na lang at walang laman dahil kung nagkataon na meron ay nako lilinisin ko pa. Kinuha ko ito at ibinalik sa mismong lalagyan. Naka patong lang kasi ito kanina kaya siguro nalaglag. Pag tayo ko ay may biglang nay matigas na bagay na tumama sa ulo ko. Nawalan ako ng balanse ay natumba sa malamig na sahig.
Sino ang may gawa niyon? Pilit ko mang maaninag ay hindi ko makita. Pero alam kong nakatayo sa harapan ko at pinag mamasdan ako. Blurred sya kaya hindi ko makita kung sinong hayop ang gumawa niyon sa akin.
Tatayo pa sana ako ngunit tuluyan na akong nawalan ng malay....
•••••
Chase POV
Kakarating lang ni Erthea sa bahay nila ni Daze. Kanina pa kami dito. Di kalayuan sa bahay nila ni Daze. Hinatid sya ni Cassandra pero agad din naman itong umalis. Baka nandun na yon sa bahay.
"Ano susugod na agad tayo?" tanong sa akin ni Zac.
"Hindi pa muna, intayin muna natin syang maka tulog nang sa ganun hindi na tayo mahirapan." sabi ko naman sa kanya.
Alam kong against sya sa plano kong ito. Pero may ano sa loob nya na gusto din dahil para naman ito sa pamilya namin. Pamilyang pinaka-iingatan namin.
Ilang sandali na pumasok na kami sa loob ng bahay. Sa kusina na kami dumaan dahil paniguradong naka lock ang main door. At kung sinuswerte ka nga naman hindi naka lock ang pinto sa kusina. Dahan-dahan ko itong binuksan. Ako ang nauunang mag lakad habang naka sunod naman sa akin si Zac.
Palabas na kami ng kusina nang...
*Boooggsshh*
Agad akong tumingin kay Zac. Nag peace sign sya sa akin. Argghhhh! Makikita kami agad nito eh!
Nang maramdaman kong may papunta sa kusina ay kaagad kong hinila si Zac para mag tago sa island ng kusina.
Si Erthea! Kinuha nya ang nahulog na kaserola ni Zac at ibinalik iyon sa lalagyan. At ito na ang tamang timing para patulugin si Erthea. Agad akong tumayo at hinampas sya ng baril sa ulo. Hindi naman sya mamamatay agad-agad, pero makakatulog sya.
Tumayo ako sa may paanan nya para makita ko kung tulog na ba sya o hindi. Tatayo pa sana sya pero nawalan na sya ng malay.
"Zac! Buhatin mo sya papunta sa kotse." utos ko kay Zac na sya namang ginawa nya.
Pag dating namin sa kotse ay nilagay sya ni Zac sa backseat. Pagkatapos namin syang ilagay doon ay dumiretso ako sa driver seat at sa passenger seat naman si Zac. Ako na ang mag da-drive dahil mas mabilis akong mag drive kaysa kay Zac.
Agad akong nag maneho papunta sa lagusan. Lagusan upang makapunta sa mundo ng mga tao. Doon ko sya dadalhin sa dati kong pinag dalhan sa kanya.
Nang makarating kami doon ay agad naming itinali si Erthea sa isang upuan. Habang kami namna ni Zac ay naka bantay lang sa kanya.
Kaunti na lang... Kaunti na lang mababwi na namin ang lahat ng sa amin... Mababawi namin mula sa mga p*tang*nang Villacerlyn na yan.
BINABASA MO ANG
Forever With The Vampire
Teen FictionVampire Duology 2 I do not know how in a flash the woman I love disappeared. There is no trace of where she may have gone. There is no one to point out where she is. Four years have passed but I still can't find her. I have been longing for the warm...