Ashron's POV
May party na magaganap dito sa mansion namin... Founding anniversary ng Kasdeyatopia. Siguro kung nandito si Cindy sya ang magiging date ko para sa gabi na iyon... Pero wala eh..
Kasama ko ang mga pinsan ko ngayon dito sa isang boutique ng mga sikat na damit dito sa buong Kasdeyatopia.
Tanging mga mayayaman lang na bampira ang may kakayahang bumili rito ng damit. Kung i-co-convert ang isang piraso ng damit sa pera ng mga tao umaabot ito ng milyon, lalo na kapag magandang klase.
"Woi Ashron bagay ba sa akin?" tanong sa akin ni Xander sabay labas doon sa isang fitting room.
Nakasuot nya ng black suit with his shades. Seriously? Wala namang araw dito ah. Adik ata 'to.
"Para kang ewan dyan sa shades mo." sabi ko sa kanya. Naka upo ako ngayon sa isang sofa na narito sa loob ng boutique.
"Tss. Naiingit ka lang." sabi nya sa akin. At bumaling sa saleslady.
"Miss bagay ba sa akin?" sabay alis ng shades at kumindat sya doon sa saleslady. Yung saleslady naman ay bahagyang namula.
"Uhmm.. O-Opo bagay po s-sa inyo s-sir." sabi nung babae at napairap na langa ko sa kalandian ng pinsan ko.
Ako malandi ako. Pero doon lang sa babaeng mahal ko. Gets mo? Yes lumalandi ako sa iba pero iba yung pag lalandi ko doon sa babaeng mahal ko. Basta yun na yon.
Bumaling sa akin si Xander with his smirk. Tss.
Maya-maya naman ay lumabas na sa isang fitting room si Harold. Ganun din ang suot nya katulad ng kay Xander. Pare-parehas naman kami ih. Sabi ni Papa dapat daw pare-parehas kami ng damit. Gustuhin ko mang umayaw, wala akong magawa. Tss.
"Bagay ba?" tanong nya sa akin. Sabay ayos ng tayo.
"Okay lang. Lahat naman bagay sa ating tatlo." sabi ko sa kanya.
"Yes noh!" sabi nya at bumalik sa fitting room. Ako naman ay tapos na mag sukat kaya naman nakaupo na lang ako dito sa sofa. At tintingnan ang mga baliw kong pinsan.
Maya-maya pa ay nag ring ang cellphone ko at nakita kong si Mama yun kaya naman lumabas na ako sa boutique para sagutin ang tawag.
"Yes, Mama?"
"Anak umuwi na kayong tatlo agad narito ang mga Villadomini."
Bakit sila nandoon?
"Eh bakit kami uuwi agad?"
"Wala lang, nakakahiya sa kanila kung kami lang ang haharap sa kanila. Kaya bilisan nya ng umuwi."
"Per---"
"Wala ng pero-pero dalian nyo na. Sabi ni Papa mo." sabi ni mama. Nag paalaman na ako kay Mama at pinatay ang tawag.
Tsh. Bakit ba kaialngan nandun pa kami?! Kaya naman nila yun!
Tsh.
Pumasok akong mhlibsa boutique at naabutan ko si Xander at Harold na hinaharot yung kaninang saleslady. Lumapit ako sa kanila at sabay kong hinila ang mga tenga nila.
"A-Aray naman Ashron!" sigaw nilang dalawa sa akin.
"Miss paki lagay naman nung mga pinamili naming damit sa lalagyan." sabi ko doon sa Saleslady. Bumaling naman ako doon sa dalawang lalaki.
"Kahit kailan ang haharot nyo talaga." at binitawan ko na ang mga tenga nila. Agad naman nila itong hinawakan. Namumula pa.
"Tsk!"
"Tara uuwi na tayo nandoon daw ang mga Villadomini sa mansion sabi ni Mama." sabi ko sa kanilang dalawa at napatingin sila sa akin.
"Sila Chandy?" sabay na tanong nila at tumango lang ako.
Ilang sandali pa ay umalis na kami doon sa boutique at dumiretso sa mansion.
Naabutan namin sila Chandy at ang parents nya.
"Oh nandito na pala ang tatlong prinsepe." sabi ni Papa.
"Magandang umaga po sa inyo." sabi naming tatlo sa kanila at ganun din naman ang sinabi nila.
"Nga pala kaya kami napunta dito ay para sana sa darating na Founding Anniversary ng Kasdeyatopia." panimula ng papa ni Chandy. Kaming tatlong mag-pipinsan naman ay tahimik lang na nakaupo sa mga sofa na nag kalat sa sala ng mansion.
"Kung ganon ano ang meron sa Founding Anniversary ng Kasdeyatopia ay naparito kayo?" tanong ni Papa sa kanila.
"Gusto lang sana namin na tumulong sa pag aayos, para nadin sa ikabubuti ng pagdiriwang." sabi nung mama ni Chandy.
"Naku, huwag na kaya na naman namin. Nakakahiya sa inyo." sabi ni Mama at ngumiti.
"Ayos lamang iyon. Kaya maaari ba kaming tumulong?" sabi nung Papa ni Chandy.
"Sige, kung iyon ang gusto nyo." sabi ni Papa sa kanila. Maya-maya pa ay ang paalam na sila at umalis na.
Ako naman ay dumiretso sa kwarto ko.
Please VOTE, COMMENT AND SHARE!
( ˘ ³˘)♥
BINABASA MO ANG
Forever With The Vampire
Teen FictionVampire Duology 2 I do not know how in a flash the woman I love disappeared. There is no trace of where she may have gone. There is no one to point out where she is. Four years have passed but I still can't find her. I have been longing for the warm...