Chapter 28

8.6K 294 16
                                    

Erthea's POV

Kasama ko na ulit itong mga kasama ko sa table kanina. Yung dalawang mag couple ay sweet na sweet sa isa't isa. Kami ni Daze, walang kibo. Ako naman lutang dahil sa mga pinagsasabi nung Ashron ba 'yon? Damn that man!

-----FLASHBACK-----

Tumayo sila Chase at 'yung dalawa pa nyang pinsan. Sumama kaming mga babae dahil syempre ayaw naming mag paiwan doon, tsaka masyadong maraming babae dito sa party mahirap na baka matukso pa itong tatlong ito lalo na si Daze. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya, may tiwala ako sa kanya syempre pero sa mga babaeng narito wala.

""Oh... Good evening sa inyo." bati ni Daze doon sa tatlong prinsepe. Itong dalawang babaeng kasama ko alam kong kinikilig sila pero tinatago nila, syempre kasama nila mga boyfriend nila. At ako hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Feeling ko kilala ko na sila at nakasama ko na sila, ay ewan ko ba.

"Good evening din." bati naman nung tatlo sa amin. Ganun ba talaga sila? Walang emosyon kada mag sasalita? Maayos naman ang bati namin sa kanila eh bakit ganun ang sagot nila? Parang ang cold lang.

Tiningnan kaming lahat nung prinsepeng nasa unahan nung dalawa pang prinsepe. At sa akin lang nag tagal ang tingin nya. Alam kong nag stand out ang itsura dito sa party na ito pero I hate it when people stare at me. I just don't feel na ka titig-titig ako. Hindi ako sanay.

"Staring is rude, mister." matalim kong sabi sa kanya. Masyado ng matagal ang pag-titig nya at hindi ako komportable doon.

"Oh by the way, this is Cassandra, Cassandra Villamonte." pag papakilala ni Chase kay Cassandra. Inalis ni Cassandra ang maskara mula sa mukha nya kaya naman nakita kung gaano ka ganda at kaputi ng kutis nito. Kitang-kita rin ang kanyang eye-shadow na bumagay sa suot nya na grey dress. Ngumiti sa Cassandra doon sa tatlo at ganun din naman yung tatlo kaso hindi katulad nung ngiti ni Cassandra. Tipid na ngiti kung baga.

"Nice to meet you mga Villacerlyn." sabi nya dito sa tatlo at tumango lang naman yung tatlo. Tss. Akala mo gwapo kung mag sungit sa amin. Tss. Mayayabang. Alam kong dapat hindi ko sila hinuhusgahan pero anong magagawa ko? Yun ang pakiramdam ko sa kanila eh at kung mali man ako, sorry.

"This is my partner tonight... Janelle Villatorre" pag papakilala naman ni Zac kay Janelle. At inalis din nya ang masakara nya. Ngumiti sya ng pag kaganda-ganda. Kitang kita kung gaano ka kinis ang mukha nya. Lalong nag paganda sa kanya ay ang kanyang ngiti na halos nawawalan na ng mata.

"Nice to meet you!" ngiting-ngiti nyang bati sa mga pipinsan na prinsepe. Pero ang mga prinsepe naman ay tipid lang na ngumiti sa kanya. Kaya nawala yung masigla nyang ngiti. Nahihiya nyang inalis ang ngiti sa mga labi nya.

"And this is my partner tonight... My wife...-----" sabi ni Daze.

"Oh shit! This is bad. Shit!" sabi nung dalawang lalaki sa likod nung isang prinsepe na nasa unahan. Narinig ko pero hindi ko na lang pinansin.

Bakit naman sila nag mumura? May nag sasalita pa diba?

Ganun ba talaga sila ka bastos? Nag sasalita pa yung isa tapos sasabat sila? Tss.

"Tumahimik nga kayo! Sorry...." sabi naman nung isang prinsepe. At sinenyasan si Daze na ipagpatuloy.

"This is my wife.... Erthea Villaroel..." sabi ni Daze. Dinidiinan nya lagi ang pag sasabi ng 'wife' isa yun sa way nya para sabihin na property na nya ako at wala ng makakaagaw sa kanya.

Agad namang natahimik ang tatlo at matalim na tiningnan nung isa si Daze.

"Nice to meet you." sabi ko naman doon sa lalaki. Tinitigan pa nya muna kao bago tingnan ng matalim ang aking asawa.

"Nice to meet you too... By the way Daze, magaling kang pumili ng babae." at matalim nyang tinignan si Daze. At nag 'I know' naman si Daze at ngumisi.

Bakit parang meron silang past? Mag jowa kaya sila noon? Tapos nagagalit yung isnag prinsepe kasi ako yung pinalit ni Daze sa kanya? Hala? Grabe naman.

-----END OF FLASHBACK-----

Tapos napagod din ako doon sa sayaw kahit na hindi sya hiphop. Sumakit din ulo ko jusko. Kaasar si Ashron.

Ano ba yung ibig sabihin nung mga pinag sasabi sa akin ni Ashron? Anong babawiin?

Isa lang yung tumatak sa isip ko na sinabi nya. Yung 'Wait for me, babawiin kita mula sa kanya. Because you belong to me, only me'. Nung sinabi nya iyon hindi ko maipaliwang yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya dahil sa mga sinasabi nya o kung maniniwala ako. May part sa akin na gusto kong malaman kung bakit nya ako babawiin mula sa asawa ko.

Sya daw dapat ang asawa ko. Paano? Hindi ko rin alam. Hindi ko sya ma-gets kahit anong isip ang gawin ko. Haist!

"Kamusta naman ang sayaw nyo?" biglang tanong sa akin ni Daze na kanina ay walang kibo.

"Ayos lang." sabi ko sa kanya. Naiinis ako kasi hindi ako nagawang ipaglaban ni Daze kanina. Hinayaan nya na mapunta ako sa iba kanina. Hindi nya manlang ako ipinaglaban.

"Ayos ka lang?" tanong nya ulit. Tumango lang ako sa kanya, iniintay ko kung may sasabihin pa sya pero wala na. Tumahimik na lang ako at tiningnan yung mga nag sasalita sa unahan.

++FAST FORWARD++

Maya-maya pa ay natapos na ang party kaya naman dumiretso na kami ng uwi. Hindi na namin hinintay ang mga sasabihin ng Villacerlyns. Pagod na ang katawan ko at pagod na ang utak ko sa mga natanggap kong salita galing doon sa Ashron.

Pero habang pauwi kami hindi ko parin maiwasang isipin kung bakit sinabi sa akin ni Ashron ang mga bagay na iyon. At base sa pakiramdam ko may past itong mga Villaroel at mga Villacerlyn. Gusto kong alamin. Sasabihin ko kay Cassandra yung mga gusto kong malaman para maitanong nya kay Chase. Baka kasi kapag kay Daze ako nag tanong ay magalit sya. Alam kong ayaw nya ng matanong.

Bakit sinabi ni Ashron na dapat sya yung asawa ko? Eh wala naman akong natatandaan na dapat may ipapakasal pa sa akin. Ang alam ko si Daze lang, si Daze at wala ng iba.

Simula pa noong mga bata pa kami ay kilala ko na sya at kami ang itinakda, iyon ang alam ko. Kaya imposible na si Ashron ay dapat magiging asawa ko. Hindi sya maintindihan. Naguguluhan ako.












A/N:
Sorry kung natagalan ang update ko.

Please VOTE,COMMENT AND SHARE.

-DARLINGBABE_22

Forever With The Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon