Chapter 31

9.3K 257 44
                                    

Kaizer's POV





OH MAH GHAD! OH MAH GHAD! AYM BAK! YOR POGING CHARACTER SI BAK! O MAH GHAD! OH MAH GHAD!

Okay enough na. Masyado ng na e-expose ang aking kapogian. Hihihi.

Btw, kasama ko ngayon ang aking mga trops sa isang café malapit doon sa park na pinuntahan este tinambayan namin kanina, hehezzz... Nung isang araw yung last na tawag sa amin nina Ashron. Sabi nila magiging busy daw sila dahil sa dadating na Founding Anniversary ng Kaadeyatopia. Oh yeh! Alam na namin ang lahat ng tungkol sa kanila. Sila ang nag sabi sa amin para na din daw wala silang tinatago sa amin. And aylabit! De joke hahahah.

"Oh saan tayo mag hahanap ngayon? Halos lahat ng mga bayan na malapit sa atin napuntahan na natin pero ni anino ni Cindy hindi natin nakita." sabi ni Alex na ngayon ay katabi ni Andrie-tot, kaya Andrie-tot kasi mabantot sya, hehehzzzz...

"Pwede bang mag pahinga muna tayong lahat kahahanap kay Cindy?" tanong ni Xands sa amin.

Kaya nga eh...

"Tama, pahinga muna tayo jusko everytime na matatapos ang last subject natin araw-araw dumidiretso tayo sa pag hahanap. Hindi ba kayo napapagod?" tanong ko naman sa kanila. Tiningnan muna nila ako habang humihigop sila ng mga kape na in-order nila.

"Bakit tayo mapapagod eh kaibigan natin yun?." tanong naman ni Alex sa amin.

May point naman sya kaso kasi iniisip ko lang naman yung iba pa naming kaibigan. Kahit hindi nila sabihin alam kong napapagod na din sila. Oo kaibigan namin si Cindy pero kasi may mga Villacerlyn din naman na handa kaming tulungan.

"Iniisip ko lang naman yung iba pa nating kaibigan." sabi ko sa kanya.

"Oo nga..." pag sang-ayon pa nung iba.

"Oh sya, oo na pahinga na muna tayo ng tatlong araw. Okay ba yung tatlong araw? Sapat na iyon?" tanong pa ni Alex kaya naman nag hiyawan kami. Napatingin sa amin yung iba pang customer ng café. Ay napa sobra ata yung hiyaw namin hhehezzzz.

"Sorry po..." pag hingi namin ng paumanhin sa kanila.

"Oh saan tayo mag papahinga ngayon? Sakto tatlong araw tayong walang pasok." tanong ni Andrie-tot.

"Doon na lang sa bahay nila Kaizer! Madaming foods doon!" sabay na sabi nung dalawang babae na kasama namin.

"Hayst! Bakit doon?" tanong ko sa kanila. Alam kong marami kaming foods, bakit sila ba hindi marami ang foods nila sa bahay nila? Grabe ha.

"Doon na lang! Tsaka isama mo si Mika para masaya!" sabi pa ni Alex.

"Oo na! Kahit busy yon isasama ko!" sabi ko.

"Hindi ako sasama." sabi ni Xands kaya naman tumingin kami sa kanya.

"Bakit hindi ka sasama?" sabay naming tanong sa kanya.

"Hindi ko kasama jowa ko. Kakahiya sa inyo." sabi pa ni Xands. Ay masyadong madrama itong babaeng ito!

"Edi sabihan natin si Xander na pumunta dito!" sabi ko.

"Hala wag na nkakahiya sa kanya baka busy sya." sabi pa nya.

"Walang busy-busy! Ano yon mag jo-jowa sya tapos magihing busy lang din pala sya? Ano yon? Dapat kung alam nyang wala syang oras para dyan sa love na iyan, dapat hindi ka nya niligawan. Hindi pwedeng busy sya! Tatawagan ko mamaya kung ayaw mong tawagan." sabi ko. Nagulat ako ng pumalakpak sila sa sinabi ko.

"Bakit?" naguguluhan kong tanong.

"Masyado kang nagiging hugutero. Salute!" sabi nila sa akin.

Forever With The Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon