Chapter 30

10.1K 307 51
                                    

Ashron's POV





Ilang araw matapos ang party ay naging busy kami ng mga pinsan ko. May mga pinapaayos sa amin si lolo about sa business namin. Kung hindi nyo naitatanong kami ang may pinaka sikat na business doto sa buong Kasdeyatopia. Ito ay tungkol sa mga restaurants... Halos bawat lugar dito sa Kasdeyatopia merong branch mapa-maliit o mapa-malaki.

Narito kami sa isang branch na malapit sa aming mansyon, ang pangalan ng street ay Vivas street.

Kilala kami ng mga tao dito kaya naman mabilis silang nag serve sa amin ng pagkain na in-order namin.

Ang in-order namin ag syempre yung best seller namin na Burger ala Trio. Ang Burger ala Trio ay galing sa aming mag-pipinsan dahil nga 'trio' hindi namin alam na papatok ito sa mga bampira kaya naman ayun naging best seller na namin. Ito ay may tatlong patty kasi nga trio tapos may nakalagay na sauce na kami talaga ang gumawa.

So ayun nga... After naming umorder dumiretso kami sa tree house namin.

"Anong gagawin natin ngayon na alam na natin kung nasaan si Cindy?" tanong ni Harold sabay subo nung burger na inorder namin kanina.

Lahat kami ay naka upo sa sahig ng tree house habang nakain ng burger.

"Kukunin natin sya." sabi ko naman sa kanya sabay inom naman nung juice na kasama nung burger. And take note kami rin yung gumawa ng juice na ito. Talented talaga kami. Good looking na nga talented pa *wink*.

"Kukunin? Alam mo naman siguro kung gaano kaarmado yung pamilya ng mga yun diba?" tanong naman ni Xander.

"Pake ko kung armado sila? Armado lang sila pero wala silang skills, tss. Hindi tulad natin. Sila kapag napatay minsan lang kung asintado, at kadalasan hindi sila ang napatay dahil inuutusan nila ang mga tauhan nila na pumatay." sabi ko naman. At napa tango-tango naman yung dalawa. Pa tango-tango lang yang mga yan pero hindi ko alam kung may naintindihan ba talaga sila sa sinabi ko *face palm*.

"At siguradong si Cindy ang gagawin nilang pain sa atin para makuha ulit nila ang trono mula sa atin." seryosong sabi ni Harold.

Sang-ayon ako sa kanya. Tama. Hindi naman kasi nila kukunin sa amin si Cindy kung wala talaga silang pakay doon sa trono ng pamilya namin. Ano pa ba ang gusto nila? Pera? Bibigyan ko sila kung iyon ang gusto nila. Huwag lang sila mandamay ng mga wala naman kinalaman doon sa problema na iyon. Lalo na si Cindy. Walang alam iyon sa away ng mga pamilya namin.

"Pero bakit kailangan pa nilang palabasin na asawa ni Daze si Cindy?" tanong naman ni Xander.

"'Yun ang hindi ko alam." sabi ko naman. Siguro ay palabas lang din iyon. Kilala ko sk Daze, mapili sya sa babae kaya nga wala pa syang nagiging gitlfriend dito sa Kasdeyatopia eh.

Sinimulan ko na ang pagkain sa burger ko. Dahil sa kanila naaantala ang pag kain ko eh. Gutom na gutom pamandin ako. Ang dami kasi naming pinuntahan na branch, halos lahat nga ata eh. At yung sa Vivas street yung huling branch na pinuntahan namin.

"Tsaka hindi nya tayo maalala, siguradong may ginawa yung tatlong iyon kay Cindy. Naku talaga. Dapat matagal na nating tinapos ang tatlong iyon eh." tila niinis na sabi naman ni Xander.

"Hindi tayo mamamatay ng bampira, Xander." madiin kong sabi sa kanya. "Hindi tayo katulad nung tatlong Villoroel." dagdag ko pa at imbis na mag salita pa ay pinili na lang nya na manahimik.

Silence...

"Tara na umuwi na tayo, lumalalim na ang gabi." sabi ni Harold.

Sumang-ayon kami sa kanya. Ngunit bago kami umalis sa aming tree house ay nilinis muna namin yung mga pinag kainan namin. Natutunan namin ito kay Cindy, mag kusa daw kami dahil paano na lang daw kapag wala sya or wala kaming mga katulong sino ang gagawa? Tama naman sya kaya ito nga nag lilinis kami.

Forever With The Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon