Ashron's POV
Ilang sandali na lang at mag sisimula na ang party. Sama-sama kami nina Xander, Harold, Barett at Duke dito sa kwarto ko.
"Anong oras kayo dumating dito?" tanong ni Harold doon sa mag kapatid na ngayon ay cool na cool na naka upo sa sofa sa loob ng kwarto ko. Kwarto nila 'to eh. -.-
"Hmmm... Kani-kanina lang naman." sabi ni Barett.
"Kamusta naman ang pag hahanap nyo?" tanong naman ni Xander sa kanila. Ako dapat ang mag tatanong kaso naunahan ako ni Xander.
"Speaking of that... Hanggang ngayon wala kaming mahanap kahit isang clue, wala. Lahat ng contacts ko natawagan ko na at hanggang ngayon wala pa din silang balita." sabi nya.
"Sa tingin mo ba nandoon sya sa mundo ng mga tao? Malay mo wala doon at umalis. I mean baka umalis sa bansa nila." sabi ni Barett.
" As far as I remember wala namang kamag-anak sa ibang bansa ang pamilya nila. Doon lang sila sa Pilipinas nag s-stay." sabi ko naman sa kanya.
Sabi kasi ni Alex at Xands noon sa akin noong hahanapin ko si Cindy sa mga kalapit na bansa ng Pilipinas ay pinigilan nila ako. Wala daw kamag-anak sina Cindy sa ibang bansa. Tanging sa Pilipinas lang. At yun ay ang tatay at nanay nya. Hindi daw nila alam pati ni Cindy kung may kamag-anak pa daw sya.
Naalala ko noon kung bakit sila aalis sa Kaseyatopia. Noong una ko syang makita at una ko syang minahal.
*tok tok tok!*
"Sino yan?" tanong ko doon sa kumakatok sa aking pintuan.
"Mahal na Prinsepe mag sisimula na po ang pag diriwang sa ibaba ng mansion, sabi po ng inyong mga magulang ay bumaba na kayo." sabi nung maid sa labas mg pinto.
"Sige, salamat." sabi ko naman.
"Tara na... Let's rock this party tonight." sabi ni Xander na ikinangisi naming lahat.
(Insert: Intro ng Not Today.)
At binuksan ko ang aking pintuan.
Humilera din kami at sabay-sabay na ngumisi sa isa't isa.
Naaalala ko tuloy noong iniligtas namin si Cindy noon.
Makikita mo sa paligid ng mansion ay mga bampira syempre. May mga table na nag kalat dito sa sala ng mansion at isang maliit na stage sa unahan. Medyo marami na din ang mga bampira dito. And yes, hindi lahat ng bampira sa Kasdeyatopia ay imbitado, pili lamang.
May mga naka maskara dahil nga ang tema ng party namin ay masquerade party.
Ganun din naman kaming lima. Ako ay may maskara na all black na may feather sa kanan. Ganun din ang mga pinsan ko black ngunit yung kanila ay may mga glitters pa. Kila Barett at Duke naman ay puti na katulad ng design saa mga pinsan ko. Tanging ako lamang ang naiiba. Hehezzz.
Sinalubong kami ng mga tao dito sa baba ng mansion at sila ay nag palakpakan.
Sumenyas sa akin ang mag kapatid na doon lang daw sila sa table nila, bale table din namin dahil kami ang mag kakasama.
"Please welcome The Kasdeyatopia's Prince's!" sabi noong MC at lalong lumakas ang palakpakan at hiyawan ng mga bampira.
Pinapunta kami sa maliit na stage at pinag salita.
"Magandang gabi sa inyong lahat, nais ko lamang sabihin na sana ay mag enjoy kayo sa party na ito ngayong gabi." sabi ko at nag palakpakan ulit sila.
"Nag eenjoy ba kayo?" full of energy na tanong ni Xander kaya naman humiyaw ang mga bampira.
"So ayun! Sa nakikita ko naman nag eenjoy kayo!" sabi nya at binigay ang mic kay Harold."Owww! Let the party begin!!" sigaw nya. Yung totoo may amats na ata 'tong dalawang ito. Hindi lang itong dalawang ito ang may amats pati na rin mga bampira. Hays.
Pag baba sa stage ay naka abang sa akin si Chandy. Uh-oh...
"Ako ang partner mo ngayong gabi." sabi nya at ngumiti sa akin. Not that typical smile. Parang seducing smile, I guess.
Tumingin sa direksyon namin si Harold at hinablot ang braso ni Chandy na naka pulupot sa braso ko.
"Ano ba! Harold! Bitiwan mo ako!" sabi ni Chandy sa kanya. May tumingin sa aming ilang bampira. Nabigla ako sa ginawa ni Harold....
Hinalikan nya si Chandy! habang si Chandy naman ay biglang-bigla sa ginawa ni Harold sa kanya.
Humiwalay na si Harold kay Chandy at si Chandy naman hindi parin maka paniwala sa nangyari ganun din kami. Naka ilang beses kami ng kurap.
Oh Harold..... Lagot ka....
"No... Hindi si Ashron ang partner mo ngayon... Ako... Ako lang ang partner mo... At wala ng iba pa." and with that nag laho silang dalawa.
"Fuck." sabi namin ni Xander ng umalis sina Harold at Chandy.
"Gago si Harold baka kung ano ang gawin kay Chandy!" sabi ni Xander.
"Hayaan mo sya, alam ko naman na mahal nila ang isa't isa ayaw lang mag aminan." sabi ko at napatingin sa akin bigla si Xander.
"Whut?!"
"Yep. Ginagawa ni Chandy yung mga pa flirt-flirt nya sa akin para makita nya kung may gusto pa si Harold sa kanya. Kaya nga natutuwa ako minsan dahil nakikita kong naiinis ni Harold. At dahil don sa ginawa ni Harold kanina, mag kakaayos sila." sabi ko naman at pumunta sa table namin. Iniwan ko si Xander doon na parang tanga.
A/N:
Oh yeah! Oh yeah guys! Si Chandy yung ex ni Harold!
Uwu! Si Harold talaga nakuuuu....
BTW, thanks for reading!
Let me know what you think about this chapter! Comment guys!
Please VOTE, COMMENT and SHARE!
Makakatulong ito para lalo akong ma motivate sa pag susulat! Especially yung VOTE!LABLOTSSSSSS!
-DARLINGBABE_22
![](https://img.wattpad.com/cover/173948848-288-k318060.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever With The Vampire
Teen FictionVampire Duology 2 I do not know how in a flash the woman I love disappeared. There is no trace of where she may have gone. There is no one to point out where she is. Four years have passed but I still can't find her. I have been longing for the warm...