Ashron's POV
NAGISING ako sa ingay ng mga pinsan ko sa baba ng bahay. Ano na naman ba ang ginagawa ng mga ito? Tsk.
"Gago! Dapat kasi hindi ka na lang pumunta dyan edi sana buhay kapa!" rinig kong sigaw ni Xander habang bumababa ako sa hagdan at nag kukusot ng mata.
"Na-i-istress ako ah! Buset!" sigaw naman ni Harold. Ano naman ang kina-i-istress nitong bampirang ito? Ako ang na i-istress sa kanila, tsk.
Ano ba ang ginagawa ng dalawang ito? Tsk. May natutulog eh!
Inayos ko ang buhok ko at sinuklay ito gamit ang aking mga daliri.
Nakita kong sinisigawan nila ang isang character sa isang movie. Action ba ito or horror? Ay ewan.
"Oy! 'Wag nga kayong sumigaw! Natutulog ako ang ingay ingay 'nyo!" sigaw ko sa mga ito. Gulat naman silang napatingin sa akin.
"Sabi ko sayo Harold eh 'wag kang maingay, ikaw talaga. Tsk, tsk, tsk." sabi ni Xander sa kanya. Napa-gago na lang si Harold sa kanya. Ako naman ay napa-iling na lang. Hininto na nila ang panonood. Mabuti naman.
Pumunta ako sa kusina dahil nagugutom na rin ako. May natira pa kaming cake na binili namin kahapon. Wala kasi kaming magawa e, kaya ayun pumunta kami sa isang mall at ayun bumili kami ng cake. As usual pinag titinginan na naman kami. Hindi ba sila sanay makakita ng mga ganitong mukha? Kung nandito si Cindy paniguradong sasamaan nya ng gingin ang mga taong nakatingin sa amin. Kaso... Wala sya eh...
Bumalik ako sa sala at doon ay kumain. Habang ang dalawa ay nakatingin sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay at umiling naman sila sa akin.
"Bakit ka nga pala umalis doon sa cafe kanina?" tanong sa akin ni Xander. Napatingin ako sa kanya at bahagyang tinigil ang pagsubo ng cake.
"Dahil kay Chandy." sabi ko naman. Hindi ko alam kung ano ang gusto 'nyang sabihin. Bakit 'sya nag tatanong ng mga ganoong bagay sa akin?
"Bakit anong ginawa ni Chandy?" tanong ni Harold sa akin.
Binaba ko muna ang tinidor.
"Tinanong 'nya ako kung paano daw kung hindi na bumalik si Cindy." sabi ko naman kay Harold. At sumubo ulit ng cake. Pinatay nila kanina ang tv kaya naman mga boses na lang namin ang naririnig namin sa loob ng bahay.
"Oh anong sabi mo?" tanong ulit ni Xander.
"Sabi ko mag hihintay ako. Mag hihintay ako kahit anong mangyari." sabi ko naman.
"Paano nga kung hindi na 'sya bumalik?" nag-aalangang tanong naman ni Xander sa akin. Bahagya ko 'syang sinamaan ng tingin.
"Babalik 'sya alam ko 'yon." sabi ko naman sa kanya.
"Pero kasi... Tatlong taon... Tatlong taon ka nang naghihintay. Pero ni anino 'nya hindi natin makita." sabi 'nya ulit.
"Wala akong pake. Kahit abutin pa 'yan ng ilan pang taon, wala akong pake. Mag-hihintay ako." sabi ko sa kanya. Mag sasalita pa sana 'sya pero umalis na ako doon at pumunta sa kwarto ko. Iniwan ko ang cake sa sala.
Naka-upo ako sa gilid ng kama at biglang nag-ring ang cellphone ko. At nakita kong si Alex ang natawag sa akin.
"May nahanap na ba kayo?" tanong 'nya sa akin. Kada tatawag 'sya sa akin ganyan lagi ang bungad 'nya. Naawa na ako kila Xands at Alex. Matapos nilang mabalitaan ang nangyaring kidnap noon kay Cindy, halos doon na sila matulog sa apartment ni Cindy. Pati rin sina Kaizer at Andrie.
"Wala pa. Pero ngayon hinahanap namin ang daddy 'nya dahil baka alam 'nya kung nasaan si Cindy." sabi ko naman.
"Si tito Michael? Kailan 'nyo pupuntahan? sasama kami." sabi 'nya sa akin.
"Hindi ko pa alam pero sasabihan ko kayo. Sorry." sabi ko naman.
"Bakit ka naman nag-so-sorry?" takha nyang tanong sa akin.
"Kasi halos tatlong taon na tayong nag-hahanap hanggang ngayon wala pa rin, hindi natin 'sya makita." sabi ko.
"Okay lang 'yon, ginagawa mo naman lahat ng makakaya mo." sabi 'nya. Bahagya syang tumahimik sandali.
"Hindi kaya yung mga dating dumukot sa kanya ang dahilan kung bakit nawawala ulit si Cindy? Hindi naman kasi imposible iyon. Kung nagawa nila noon hindi malayong gawin nila ulit iyon ngayon." sabi 'nya sa akin sa kabilang linya. Bahagya naman
akong tumahimik."Ilang beses na naming binantayan ang kilos ng nga Villaroel pero walang kahina-hinala sa mga kilos nila." sabi ko naman sa kanya.
"Pero kahit na malay mo hindi ba?" sabi 'nya sa akin.
Sang-ayon naman ako sa sinasabi 'nya pero kasi simula nang mawala si Cindy mga Villaroel ang binantayan namin pero wala talaga. Ang huling balita ko sa kanila ay naaksidente sila.
"Sige babantayan ulit namin." sabi ko. Nag paalam ako at pinatay na ang tawag.
Tumawag ako kay Duke.
"Ano na? Alam 'nyo na ba kung saan nakatira ang tatay ni Cindy?" tanong ko.
Tinanong ko noon si Alex kung alam ba 'nya kung saan nakatira ang tatay ni Cindy ay hindi na raw 'nya alam kasi simula noong pinalayas si Cindy wala na 'syang balita rito. At hindi pa naman daw sila nakakapunta sa bahay ni Cindy. At bakit naman kaya?
"Yup. I'll text you the exact place, later." sabi 'nya sa akin.
"Sige at bukas na bukas pupuntahan ko." sabi ko naman at ibinaba ang tawag.
Miss ko na talaga si Cindy. Kung pwede ko lang ibalik ang dati na nandito sya nagawa ko na. Pero imposible kasi e. Kahit naman pagbali-baliktarin ang mundo bampira lang ako at wala akong kakayahan na gawin iyon.
Minsan naiisip ko bakit ko ba hinayaan na mangyari ulit iyon? Bakit hindi ko sya iningatan?
Dahil wala naman akong gagawin bumalik na lang ulit ako sa pag tulog ko.
A/N:
Sorry po kung maiiksi ang mga update ko at kung nabibitin ko kayo. Sorry po. Nagawa po kasi ako ng mga chapter kada pagkatapos ko sa school o di kaya ay bago ako matulog. Minsan po nakakalimutan ko na gumawa ng assignment para lang maka pag update nito. Kaya sorry po kung maiiksi ang update ko.
+++Vote, comment and share+++
-DARLINGBABE_22
BINABASA MO ANG
Forever With The Vampire
Novela JuvenilVampire Duology 2 I do not know how in a flash the woman I love disappeared. There is no trace of where she may have gone. There is no one to point out where she is. Four years have passed but I still can't find her. I have been longing for the warm...