Xander's POV
Narito kaming mag pipinsan, sama-samang nag gagala sa Kasdeyatopia. Sabi ni Ashron sa amin. Gusto daw muna nya na mag gala-gala kami dito dahil matagal na daw nung huli namin itong nagawa. Sumangayon naman kami ni Harold sa kanya.
Sa loob ng tatlong taon na pag hahanap kay Cindy, napatunayan namin na si Cindy ay hindi basta-bastang babae kay Aashron at sa amin. Dahil sa loob ng tatlong taon na wala kaming clue kung saan sya nag punta or kung nasaan sya, nag hahanap pa rin kami.
Naalala ko noong unang araw namin kasama si Cindy, pinag kakaguluhan kami noon ng mga babae, ewan ko ba kung bakit nila kami pinag kakaguluhan hindi naman kami arstista. Dito kasi si Kasdeyatopia normal na ang mga ganitong itsura. Mayroon doon na nag sabi "Sino ba iyan?" at "Hindi naman maganda" lumingon kaming tatlo sa nag sabi noon sa Cindy. At matalim namin silang tiningnan.
"Hindi sya basta-bastang babae at kung sino sya? Sya ang prinsesa namin." sabay-sabay naming sabi sa babae. At natahimik naman ang babaeng iyon.
Ayaw namin sa lahat ay hinuhusgahan ang prinsesa namin. Sino ba sila para pag salitaan ng ganun si Cindy? Yan ang napansin ko sa mga tao. Masyado silang judgemental, nag sasalita sila ng tapos nang hindi inaalam ang buong kwento. Masyado silang mahusga sa tao. Mag sasabi sila ng mga bagay na hindi naman nila napapatunayan. Tinitingnan lang nila ang isang tao base sa panlabas na anyo at hindi sa panloob na anyo.
Ayaw ko ng ganun. Ayaw namin ng ganun.
"Ano saan na tayo pupunta?" tanong ni Harold. Habang nahigop naman kami ni Ashron ng juice? Hindi ko alam tawag dito eh, pero kalasa sya ng juice sa mundo ng mga tao.
Hindi kami yung tipo ng bampira na dugo at laman loob ng kung ano-ano ang kinakain. Yes, natural sa ibang vampire ang ganun. Sabi ko nga iba ang lahi namin sa kanila.
"Uhmm, punta kaya tayo doon sa bakery na lagi nating pinupuntahan dati?" suggestion ni Ashron.
Yung bakery kung saan nya nakita ang batang si Cindy noon.
"Tara?" nakangiti kong tanong sa kanilang dalawa at ngumiti naman sila sa akin.
Ilang minuto ang nilakad namin papunta dito sa pinaka sikat na bakery sa buong Kasdeyatopia.
Nang makapasok kami rito, marami ang tao. Sikat eh. Pero binigyang daan nila kami kahit sobrang haba ng pila dito.
May part sa aming mag pipinsan na ayaw ng special treatment. Bakit ba anuso ang special treatment eh pantay-pantay naman kaming lahat. Ay ewan ko ba.
"Tatlong Black at purple bread." sabi ni Harold sa nag titinda. Yes, black and purple bread isa sa mga sikat na tinapay nila. At binabalikan. Buti pa yung tinapay binabalik-balikan. Hays. De charot lang.
Nang makuha namin ang tinapay dumiretso kami sa isang puno na madalas naming tambayan noong mga bata kami. Hindi naman kalayuan sa bakery.
May ginawa kaming tree house dito at yun ang ginawa naming tambayan.
Nang maka akyat kaming lahat umupo kami sa mga upuan doon. Buti na lamang at matibay pa ito. Ni wala manlang nagalaw na bagay sa loob nito.
"Buti at ganito parin ito. Akala ko ay nasira na ito." sabi ni Ashron at piang mamasdan ang loob ng tree house. Puno ito ng mga litrato namin noon at mga kung ano-anong bagay na ginagamit namin noon.
Kumagat ako ng tinapay at napalingon ako sa isang part ng tree house na may picture naming mag pipinsan habang nakain ng ice cream. Ang dudungis naming tingnan.
"Naalala nyo ba noong...." sabi ko.
-----FLASHBACK-----
Sabi ni lolo pupunta daw kami sa isang party. Kaya naman naka bihis kaming tatlo ng mga pinsan ko.
May nakita kaming nag titinda ng ice cream kaya pumunta kami dito. May dala naman kaming money kaya ayos lang. Pero hindi kami nakapag paalam kay lolo.
Nang makabili kami ay natawa sa amin ang lolo namin.
"Jusmiyo kayong mga bata. Any dudungis nyo." sabi ni lolo sa amin. Pero imbis na sumagot kami ay patuloy lang kami sa pag kain. Si Ashron hindi na malaman kung ano ang ihahawak sa cone ng ice cream dahil malagkut na ang dalawa nyang kamay ngunit kahit ganun kinakain parin nya ang ice cream. Si Harold naman hindi na nya alam kunga no ang didilaan dahil natutunaw na ang ice cream nya. Ako naman habang kinakain ko ang ice cream ko pinapahid ko ang ice cream na nasa mukha ko pero ang kamay ko meron din palang ice cream.
"Aww, mga apo nyo po?" tanong ng isang abbae sa lolo namin, tumango naman si lolo sa kanya. "Picturan ko po sila pwede?" tanong nung babae at inabot naman ni lolo ang kamerang pag mamahy ari naming mag pipinsan.
*click*
At ngumiti sa amin ang babae.
-----END OF FLASHBACK-----
"HAHAHAHAH!" tawa naming tatlo.
"Grabe yung time na iyon. Ang dungis talaga natin" sabi ni Ashron at natatawa parin.
"Lalo na si Xander, sobrang dungis." sabi ni Harold sabay turo sa akin. Bakit sa akin napunta ang usapan?
"Grabe. Sa akin na napunta ang usapan." at tumawa kaming muli.
Ang saya... Ang sayang balikan ang panahong ganito kami. Walang iniisip na kung ano-ano...
A/N:
So ayun buti at naka pag update ako hehzz... Btw, salamat sa inyo! Salamat sa pag suporta dito sa aking istorya at salamat din sa inyo dahil kayo ang naging inspirasyon ko sa aking oag aral kaya naman napasama ako sa with honors sa school. Maraming salamat sa inyo!! Lablotssss!
Please VOTE, COMMENT AND SHARE
makakatulong po sa ito sa akin upang mas ganahan ako sa pag susulat. Maraming salamat pooo!
-DARLINGBABE_22
![](https://img.wattpad.com/cover/173948848-288-k318060.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever With The Vampire
Teen FictionVampire Duology 2 I do not know how in a flash the woman I love disappeared. There is no trace of where she may have gone. There is no one to point out where she is. Four years have passed but I still can't find her. I have been longing for the warm...