Chapter 13

8.8K 454 32
                                    

Erthea's POV

Nagising ako mula sa pag kakatulog ko kanina. Ano ba ang mga ala-alang pamapasok sa aking isipan? Bakit ko naaalala ang mga iyon? Sino ba sila ay ano ang koneksyon nila sa akin? What the heck? Hindi naman ako nag aadik, so bakit ganito?

Nakita ko ang aking asawang si Daze na naidlip sa aking tabi. Siguro ay nakatulog sa pag babantay sa akin habang ako ay natutulog. His face is so damn perfect for me. He is perfect. Ideal husband.

Bahagya akong humarap sa pwesto nya at tinitigan ang mukha nya.

Kung sino man ang lalaking palaging sumasagi sa aking isipan, hinding hindi kita ipagpapalit. Pangako ko iyan. Kahit sino man iyon, sayo at sayo lang ako.

Maya-maya pa ay nag mulat sya ng kanyang mga mata at agad naman akong ngumiti sa kanya, agad din nya akong ginantihan ng ngiti.

Bahagya syang umupo "Ano ayos kana ba? Ano ba ang nangyari kanina?" tanong nya sa akin. Alam kong nag aalala sya dahil kita ko iyon sa kanyang mga mata at pati na rin sa tono ng kanyang boses.

"Okay na ako... Hindi ko alam, pero bigla-bigla na lang may pumapasok na kung anong ala-ala sa isip ko na hindi ko maipaliwanag kung totoo o imagination ko lang." paliwanag ko sa kanya. Nang marinig nya iyon at tila ba nabigla sya sa aking sinabi. Hindi ko na lamang pinansin.

"A-Anong ala-ala naman?" medyo nuutal nyang tanong sa akin.

"Isang lalaki na nag tatanong sa akin kung pwede daw ba kong ligawan and he called me not Erthea but Cindy, Cindy Mae Villacorta. Second, mga babae at lalaking masasaya. I think friend sila nung Cindy." paliwanag ko sa kanya habang sya ay nakikinig lang sa akin. "Pero yung Cindy kamukhang-kamukha ko." pag papatuloy ko. Nakita kong medyo natulala si Daze sa mga sinabi ko. "Ano ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.

Bahagya syang tumango "Oo, ayos lang ako." sabi nya sa akin at ngumiti. Assuring smile.
"Ayun lang ba ang mga naalala mo?" tanong nyang muli sa akin.

"Oo yun lang." sabi ko naman, tumango naman sya sa akin.

"Tara uwi na tayo." yaya nya sa akin at sumangayon naman ako.

Nang makababa kami mula sa kwarto nya sa mansion ay nakita namin ang apat na nanonood ng TV sa sala.

"Oh ano uuwi na kayo?" tanong ni Zac sa aming dalawa.

"Oo, pag papahingahin ko pa si Erthea eh." sabi nya rito.

"Pero maaga pa para umuwi agad." tila nalulungkot na sambit ni Cassandra sa amin.

"Kailangan nya talagang mag pahinga." sabi ulit ni Daze sa kanila at na pa pout na lamang sina Cassandra at Janelle.

"Bukas kung pwede tayo mag kita-kita sa bahay, mag kita tayo para naman mas makapag bonding pa tayong tatlo." sabi ko at ngumiti sa kanilang dalawa.

"Ay sige! Gusto ko yan!" sabi ni Janelle. Hindi na sya mahiyain, good for her.

"Sige mauuna kami sa inyo." paalam namin ni Daze sa kanila. At tuluyan na kaming lumabas at dumiretso sa sasakyan nya.

Nang makarating kami sa bahay ay pinaakyat nya agad ako sa kwarto namin para daw makapag pahinga na ako. Sa sala lang daw sya at may kaakusapin. Normal na lang kapag laging may kausap si Daze, trabaho eh.

Kinuha ko na lamang ang cellphone ko at nag patugtog. Ayaw ko munang matulog. Nakatulog na ako kanina tapos tutulog ulit ako? Kahit gabi na di parin ako tutulog. Bahala na kapag inantok ako.

Pumili ako ng kanta at ang napili ko ay All This Time.

I really love old songs. Mas feel ko yung lyrics nila kaysa sa mga nauuso ngayon na parang nauulit lang. Paulit-ulit.

all this time

all and all i've no regrets

the sun still shines the sun still sets

and the heart forgives, the heart forgets

oh what will i do now with all this time?

Sinasabayan ko na ang kanta. Feel ko talaga.

Maya-maya pa ay nakaramdam agad ako ng antok. Bakit ang bilis kong antukin ngayon?

No choice but to turn off the music and go to sleep. Kahit ayaw ko pa. But my eyes is sleepy. Tsk.

Nag palit muna ako sandali ng damit kong pantulog at nahiga na.

"I love you Daze." sabi ko at natulog na.











A/N:
Uwuu rank 57 na tayo sa teen fiction! Salamat sa inyo!

Please vote, comment and share

-DARLINGBABE_22


Forever With The Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon