Paraluman ang siyang bida ng iyong mga awitin at tula
Sadyang malayo sa ako ang pinapaksa,
Mabini, palangiti, at mayumi siya,
Taliwas sa isinisigaw na lungkot nitong aking mga mata,
Dangan ng tapos na ang kayo nang pagtagpuin ang tayo ni tadhana,
ngunit titulo ng puso mo'y bakit ayaw nang itaya.Kaya pasensya kung maging masaya'y hindi ko magawa,
sa isiping baka sa'kin ay makita mo ang siya
Pasensya kung nararamdaman ko'y ayaw na ring isanla,
dala ng takot na hindi ko mapantayan ang alaalang kaniyang ipinunlaKaya sana huwag mo na akong tingnan ng may pangungulila, hindi ako siya,
Lalong hindi niya replikaHuwag mo akong pangitiin kung ang tunay mo namang nais ay ang mga ngiti niya,
Huwag mo akong ingatan, kung sa bawat yakap ay hiling na siya ang nasa mga bisig mo't payapaTama na ang pagpapanggap na masaya ka kung iniisip mo naman ay kung paano ka niya higit na napasaya
Lingapin mo ako ng walang pagkukumpara
pagkat sinta, batid ko naman ang aking halagaMarahil nga siya pa rin ang iyong kailangan,
At sa panaginip mo'y hindi ako naging laman kailanman
Kaya patawad kung pagpulot sa puso mo'y aking tatanggihanHindi ko kayang bumuo ng durog kung kapalit ay pagkawasak ko
Hindi ako bayani upang isalba ka sa'yong estado
Hindi ako susugod kung una palang ay alam kong talo
Patawad, Ginoo, hindi ikaw ang para sa'kin at hindi ako para sa'yo.
BINABASA MO ANG
100 TULA: Sa Panauhin ni Kupido
PoetryOras na inilaan sa pagsulat: 13 araw at 6 na oras