2. Pahinga

147 7 2
                                    

Paulit-ulit kang humihingi ng distansya,
Sakin ba'y napapagod ka na?
Kung pahinga lang ang nakikita mong lunas, sige't pagbibigyan kita
Ngunit huwag kang umasang pagmamahal ko'y tulad lamang noong simula,
Gayong nagsawa ka namang manuyo at umunawa

Kung sa bawat  away natin ay tatalikuran, kaya'y susumbatan sa mga mali kong hinala't paratang,
Bakit pahingang hinihingi mo hindi nalang gawing pang matagalan
Bakit mo pa papahabain kung paulit-ulit lang tayong nasasaktan

Huwag mo sanang hintaying ako naman ang humingi ng espasyo,
Dahil kasunod nito ay ang tiyak kong pagsuko
Huwag mo sanang sabayan ang pagkapagod ko,
Dahil kahit anong tagal natin ay matatapos tayo

Mahirap makahanap ng pag-ibig na nagtatagal
Ngunit paano nga ito't kapwa na tayong napapagal
Pakawalan na natin ang isa't-isa,
Ikaw na napapagod nang umunawa, at ako na sinukuan ang pagsuko mo
Kung sana kasi kahit puro tayo pagtatalo,
ay nanatili sayo ang takot na mawala ako
Baka hindi ko rin ninais pang makawala't lumayo

Ngunit sige't tapusin na natin kung hindi na talaga puwede
Masasanay din akong hindi na sayo pa dumepende
Mahanap mo sana ang babaeng uunawa sayo higit sa nagawa ko
At ganoon din ako, aking ginoo.

100 TULA: Sa Panauhin ni KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon