Tulad ng mga halaman,
alay ko'y hangin sa bawat saglit ng pangangailangan
Tulad ng samyo ng maalong karagatan, ihehele kita sa panahon ng kalungkutan
Tulad nitong mga puno, hatid ko'y lilim sa pagkakataong nahihirapa't labis ang kapagalan
At tulad nitong haring araw, dulog ko'y pag-asa matapos ang karimlanAko ang iyong dapit-hapon, ang pahinga sa nakakapagod na mundo
Ako ang iyong alalay, ang magiting mong sundalo
Ako ang sandalan, pader sa bawat sulok ng distrito ng iyong pagkalito
Ako ang ulan sa himbing ng iyong bangungot; musiko
Ako sana ang iyong mundo kung hindi bulag ang mga mata moAlok ko'y tulay sa bangin nang pag-ibig na tinutungo,
Ang pilantik sa relos na senyales ng tamang paglakad mo
Ang mapa, direksyon ng nagugulumihanan mong pusoAt kung maligaw ay sundan mo ang aking liwanag,
Asahang hindi mapaparam abutin man ng magdamag
Minsan mong tingalain ang alapaap, ang mga bituing kumukutitap,
Asahan ang aking pagbaba sa pormang alitaptap
Na lilibangin ka sa lumbay ng disyerto ng kawalang tinatahakAt kung naisin mo nang sumuko,
Huwag kang mag-alinlangan na sa'kin ipagkatiwala muli ang iyong puso
Pagkat, sinta, ikaw ang mundo ng mundong ito
Pakamasdan mo't ikaw ang sentro nito
Ikaw ang dahilan ng patuloy kong pag-ikot sa uniberso,
Ang liriko sa himig ng damdamin ko
Ang esensya ng buhay at dahilan ng saya at pagkakuntento
BINABASA MO ANG
100 TULA: Sa Panauhin ni Kupido
PoetryOras na inilaan sa pagsulat: 13 araw at 6 na oras