Hatid ko'y daluyong sa tuwinang ika'y lalapit
Walang balsang ibabarag kung naisin mong pumalaot at mamingwit
Languyin mo ang dagat ng aking pagmamahal ng walang pagpapanggap sa iyong pagsisid
Huwag kang palulunod sa aking pagtanggi, o aahon kapag nasasakal na sa alat ng aking ugaliAt kapag narating mo na ang pusod ng aking pagkatao
Kung sa maratna'y hindi ka makuntento
Pagkat malayo ito sa inaakala mo, sa rikit, yaman at ganda
Huwag mo ng ituloy kung maaga ka ring mananawa
Madilim ang bawat iyong malilingon
Malalim ang bawat korteng matutunton
Kung naduduwag ka sa nag-aabang na patibong,
Huwag ka ng sumubok, muli nalang umahonAalunin ka ng malamyos kong pagka dismaya
At ihahatid sa dalampasigan kung saan pagsisisihan ang iyong ginawa
Ubusin mo ang oras upang habulin ang hininga
Batid kong sobrang napagod ka
Dahan dahan mong sapuin ang dibdib upang ikalma,
Marahil natakot ka sa iyong nakitaSige't ikalat mo sa iyong mga ka nayon
Kung anong napala mo sa pagsisid sa pusod na walang gayon
Nang hindi na sila sumubok pang sumuong
At mabigo kapag natapos na ang paroroon
Hindi man kita pinilit na bisitahin ang lalim ng aking emosyon
Patawad pagkat nasayang pa ang iyong panahon
BINABASA MO ANG
100 TULA: Sa Panauhin ni Kupido
Thơ caOras na inilaan sa pagsulat: 13 araw at 6 na oras