Hindi na mapigilan pa ang dagundong ng kulog ng aking damdamin
At ang kidlat na hindi na mapakaling hindi maamin
Malabo na ang aking pag-iisip, puno na ang ulap ng pantasyang dati pang hinahangad
Pakakawalan ko na ang ulan ng hindi maikubling panibugho
Babahain ka ng aking pagmamahal sa loob ng ilang araw o linggo
Mag-iiwan ng bakas na minsan kang naging akin
At ipapakita ang ngalit ng pusong kay tagal na hindi pinansinTitiyakin kong matagal bago mo malimutan ang aking pinsala
Lulunurin ka't tatangayin ng pag-ibig na hindi mo nakita
Bubuwalin ko ang mga pader na iyong itinayo
Papawirin ang matatayog na pangarap na hindi ako ang kasamang bumuo
Sisindakin kita sa bawat ihip ng hanging wala sa tono
Wawasakin ang teritoryong kay tagal nang binakuran
Tutal ay hindi rin naman naalagaanSisikat ang araw na ako'y makukuntento
Kung saan iiwan kong putik ang bawat daanang iyong tinutungo
Sira ang bawat sulok ng iyong pagkatao
At ngayon sa iyo naman ang maiiwang sugatang puso
Mag-isa mong hanapin ang bawat parteng nawala sa'yo
Ngunit dudang matagpuan pa't muli kang mabuoMahihirapan ka ng mag-umpisa pa
gayong dinurog na kita
Wala akong balak na buuin ka o bumalik ng mas mahinahon ngayong kuntento na
Huwag ka nang mag-abala pa na hanapin ako upang bumawi
Kayang-kaya kitang saktan ulit kung sakali
At sa pangalawang pagkakataon, kahit panaho'y sa sugat na itatanim ko ay imposible mapawi
BINABASA MO ANG
100 TULA: Sa Panauhin ni Kupido
PuisiOras na inilaan sa pagsulat: 13 araw at 6 na oras