Paulit-ulit mo akong dinadala
doon sa saya na hindi ko pa rin malaman kung karapat-dapat ba ako talaga,
Patuloy pa rin ang pagbisita mo sa mga alaalang binuo natin ng ilang dekada
Inaawitan mo pa rin ako ng kundiman sa asotea kahit tinig mo'y malat at magaspang na
Isinasayaw mo pa rin ako sa saliw ng musika
gayong hinahapo na tayo sa bawat paghingaInaalayan mo pa rin ako ng rosas
At iniingatan sa bawat oras
Nagagawa mo pa rin akong hagkan sa kabila ng kulubot kong balat
Tinitingnan na parang ako ang lahat-lahat
Mula umpisa ay ganiyan ka na't hindi kumupas
Kahit ngayong kapwa ginagahol na tayo sa orasGustong gusto mo pa rin akong niyayakap
At sinusubuan ng paborito kong sopas
Hinihimas mo pa rin ang buhok ko kahit manipis at puros na puti
Sinasabihang maganda kahit lubog na ang aking pisngi
Pinapanood mo pa rin ang bawat tawa ko kahit ubos na ang aking mga ngipin
Palaging nagpapasensya sa tuwing makulit at marunong pa ring maglambingPinapangiti mo ako kapag nalulungkot
Sinusuyo sa tuwinang nabubugnot
Labis ka pa ring magpahalaga
at magmahal na parang noong simula
Mula umpisa hanggang dulo
Walang nagbago sa pagtingin mo
Ako at ako parin ang babaeng iingatan
At sasamahan hanggang dulo
BINABASA MO ANG
100 TULA: Sa Panauhin ni Kupido
PoetryOras na inilaan sa pagsulat: 13 araw at 6 na oras