May pagmamahal na kapag hininto ang pagpapalago ay tuluyang naglalaho
Iyon ang pag-ibig na hinintay ngunit kinapaguran at kalaunan ay sinukuan
Iyong pasibol pa lang ngunit hinayaan ng malanta't hindi na muling diniliganKaya nga may mga taong naiiwan sa ere,
Iyong akala mo meron ngunit magugulat ka na lang dahil wala naman pala
Batid ko na isa ako sa mga taong ganito at iyon ang nakakalungkot
Pinaasa lang kita gayong wala naman akong balak na ituloy ito dala ng takot
Pinakitaan kita ng motibo ngunit ngayong hinanapan mo ako'y hindi ko na maidulot
Dahil wala na nga, kay aga kong tinaposKay ganda ng aking nakikita
Higit pa sa pantasya ang iyong pinadama
Kaya't napapaisip, karapat-dapat ba akong talaga
Masyadong imposibleng ibigay sakin ang ganitong saya, baka panandalian lang kaya ayokong umasa paNaduduwag akong aminin na iyon ang aking dahilan kung bakit mas minabuti ko na lang na tuldukan
Paano kapag nalaman mo, hindi ba't kaawaan lang
Totoo man ang iyong nararamdaman o pinaglalaruan lang, kailangan ko na itong tigilanHindi na mahalaga kung gusto kita, wala ka ng dapat asahan
Masyado kong pinahaba't pinatagal
Ngayon hayaan mong itama ko na sa pamamagitan ng paglisan
Ito na ang huling pagkakataon na ika'y masasaktan ng ako ang dahilan
BINABASA MO ANG
100 TULA: Sa Panauhin ni Kupido
PoetryOras na inilaan sa pagsulat: 13 araw at 6 na oras