3. Sa Digmaan

96 5 0
                                    

Dangan ng namulat tayong hindi magkakilala

Maari bang magwakas rin nang hindi natatagpuan ang isa't-isa?
Dahil sa pag-ibig na ang katalo ay distansya
Patawad ngunit malabong maipaglaban kita

Kaya bakit ganito at nang-uuyam ang tadhana?
Pinagtagpo pa tayo't pinasugal ng hindi ako handa
Ako na iniisip lamang ay ang sandaling saya
At hindi ang dusa sa panahong sinusubok na

Siguro nga'y hindi mo ako susukuan, ngunit hindi mo naman ako singtapang,
Hindi mapapawi ng telepono ang selos ko--
Lalo na ang pangungulila sa'yo
Hindi sapat ang tawag sa mga panahong nasasaktan ako
Kaya paano?
Wala akong kamay na kakapitan sa tuwing nangangamba,
Walang mga balikat na sasandigan pag nais nang mamahinga
walang mga bisig na babalot sa sandaling lumuluha

Maari bang bitawan mo na lang ako?
Sa digmaang ito, sadyang malabo tayong manalo
Kung talagang tayo'y baka mali pa ang panahon at hindi pa mananalo
Kaya awat na muna dahil ang lahat ay sadyang kumplikado

Hayaan mo't kung landas natin sa susunod ay magkasalubong,
Kung ako pa rin ay lalaban na ako't sa digmaan ay sabay na tayong susulong
Sa panahong matatag na ako't kaya na rin kitang ipagtanggol
Sa panahong tama na ang lahat,
huwag naman sana ikaw ang umurong.

100 TULA: Sa Panauhin ni KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon