Ano kaya ang iniisip mo sa mga sandaling ito?
Pareho kaya tayong ginugunam kung ano ang mayroon at ano ang tunay nating estado
Iniisip mo kaya ako habang sinusubukan ko ng ilayo ang sarili ko sa'yo
Batid mo kaya ang dahilan kung bakit dumidistansya na akoNararamdaman mo rin ba ang kahungkagan ng iyong puso?
Binabasa mo rin kaya ang mga mensahe nang sandaling hindi pa ako nalilito kung ano tayo
Inaalala mo ba ang mga tampuhan na ikaw naman ang unang nanunuyo?Inaabangan mo rin ba ang araw na aking ipinangako na babalik ako?
Nasasabik ka na ba na makausap muli ako
Nalulungkot ka rin ba habang iniisip kung ano ang tumatakbo sa isip ko
Naguguluhan ka ba sa iyong nararamdaman at bakit ako ang tumatakbo sa isip moNatatakot ka rin ba na kapag bumalik ako ay mag-iiba na ang lahat
Na hindi na muli kitang kukulitin dahil sa malabong ugnayan natin ay tuluyan na akong namulat
Nangangamba ka rin ba na baka lumamig na ang ating usapan
O baka kahit bumalik naman ay hindi mo na maramdaman ang dating ako na nakapalagayan mo ng loob minsan?
BINABASA MO ANG
100 TULA: Sa Panauhin ni Kupido
PoetryOras na inilaan sa pagsulat: 13 araw at 6 na oras