Limot ko na kung ilang beses mo akong sinaktan
Kung ilang babae na ang ipinalit mo sa'kin bilang libangan
Hindi ko na matandaan ang huling sabi mo sa akin ng 'mahal kita'
O kung alin sa yakap mo ang naramdaman kong ako pa
Kailan mo nga ba ako huling nasorpresa?
Normal ba na sa magulang mo hindi ako magawang ipakilala?Ngunit kahit ganon ay hindi ko na rin maalala kung ilang beses parin kitang tinanggap
Kung makailang ulit akong nagpanggap na ayos lang ang lahat
Hindi ko na rin tanda ang dahilan ng nagdaan nating mga pagtatalo
O kung paano kitang napatawad gayong hindi mo naman ako sinuyoHindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat nakikiusap pa rin akong bumalik ka,
Na kapag tapos ka ng maglaro, sa'kin ka lang uuwi gaya ng palagi mong ginagawa
Hindi ko alam kung bakit gusto kong ako parin ang pipiliin mo
Kahit malinaw naman na naghahanap ka na ng kapalit ko
Gusto ko lang patunayan na sa'ting dalawa hindi ako ang susukoDahil ng sandaling hilingin mong huwag kitang sukuan,
Paninindigan ko kahit sobra na akong nahihirapan
Gusto kong malaman mo na higit sa lahat, ako at ako lang ang magtitiis sa masakit mong paraan ng pagmamahalKaya huwag kang mag-alala
Dahil kahit hindi mo na makita ang aking halaga
Hindi ko isusumbat ang mali mong ginagawa
Sapagkat pahihintulutan parin kitang sirain ako
Ikaw pa rin ang tanging mang babalewala,
Ikaw pa rin ang papayagan kong wasakin ang aking tiwalaSaktan mo ako hanggang kailan mo gusto
Susugal at susugal pa rin naman ako hanggat hindi mo pa hinihingi ang pagbitaw ko.
BINABASA MO ANG
100 TULA: Sa Panauhin ni Kupido
PoetryOras na inilaan sa pagsulat: 13 araw at 6 na oras