Aking ginoo, gunitain mo ang panahong magkasama tayo sa huling sandali
Tumatakbo ang oras at masyado tayong minamadali
Hawakan mo ang kamay ko sa huling pagkakataon
Dahil sa oras na ito, pagmamahal at ang pangakong ikaw na ang huli lang ang kaya kong ipabaonGinoo, reminisahin mo ang araw na una kang nagtapat,
Doon sa parang saktong tanghaling tapat
Alalahanin mo ang bungi kong mga ngipin na hindi nahiyang ipakita sa'yo sa labis na tuwa
Alalahanin mo maging ang hindi maikubling pamumula
At ang suot kong puting bestida
Sadyang ganon ka nga siguro magpahalaga
Dahil tiyak ko na pati ang amoy ng ating mga balat ay iyong kinabisa,
Maging ang alay mong tatlong gumamela
At ang tunog ng malaya kong pagtawaAking ginoo, isama mo ang pagkakataon na tayo ay nagtatalo,
Mga panahong ako'y iyong sinunuyo
At ang pagtatampo na naiibsan sa sandaling aakapin mo,
Huwag mong iwanan yung sabay tayong nagtapos sa kolehiyo
At ang pagsayaw natin ng El Bimbo
suot ang saya at ang baroIbilang mo na rin yung araw na iniharap mo ako sa altar,
Pati ang malumanay mong pagluha habang ako'y tinatanaw
Isama mo ang sandaling sinosorpresa mo ako sa bawat anibersayo,
O sinasamahan sa mga lugar na gusto koGinoo, pinapayagan na kitang ipikit ang iyong mga mata,
Sabay ng pagluwag ng iyong hawak sa aking mga palad
Papalisin ko ang iyong mga luha
At hahagkan ang iyong noo, sabay ng pagpaskil ng huling ngiting iaalay sayo
Baunin mo ang alaala ng ilang dekada nating pagsasama
At hintayin mo ang aking pagdating diyan kung saan muli kitang makikita
BINABASA MO ANG
100 TULA: Sa Panauhin ni Kupido
PoetryOras na inilaan sa pagsulat: 13 araw at 6 na oras