Magbabaka sakali ka ba kung sasabihin kong gusto kita?
Handa ka bang sisirin ang lalim ng pag-ibig kong wala pang nakakadama?
At kung aaminin kong mahal kita,
sasamahan mo ba akong talunin ang bangin ng pag-ibig na wala pang nangahas alamin ang maaring pinsala?Sasama ka ba para silipin ang mga pangarap ko?
Papayag ka bang mamangka tayo sa ilog ng mga pagdududa ko?
Sasamahan mo ba akong maligo sa ulan ng aking kalungkutan
upang pawiin ang luha kahit imposibleng pag-alpas ay mapigilan
Handa ka bang liparin ang tayog ng aking pagmamataas?
Kaya mo bang magpakumbaba kapag umihip ang galit ko't pagiging marahasSasamahan mo ba akong lakbayin ang lawak ng aking imahinasyon?
At sisirin ang kumplikado kong emosyon?Papayag ka bang pumaroon sa gubat ng aking pag-aalinlangan upang hulihin ang mailap kong puso?
Aakyatin mo ba ang matarik na bundok ng aking pagmamahal, at maipapangako na kahit masugata'y hindi susuko?
Iinumin mo ba ang maruming tubig na sinlabo ng ipinapakita kong motibo?
At susuong ka ba sa bagyong walang katiyakan kung kailan magiging kalmadoNgayon, magbabaka sakali ka pa ba sa kabila ng mga pagsubok na inihain ko?
Gusto kita kaya nais kong malaman kung tataya ka ba sa oras na malaman mo
Walang konsiderasyon sa karerang ito
Mahal kita, pero kailangan mo ring patunayan ang sarili bago ako mapa-sa'yo.
BINABASA MO ANG
100 TULA: Sa Panauhin ni Kupido
PoetryOras na inilaan sa pagsulat: 13 araw at 6 na oras