Tama na ang iyong lingon, ituloy mo ang paghakbang
Hindi ako aalis sa posisyon, huwag nang mag-alinlangan
Tama na ang paglinga, hindi naman ako mawawala
Huwag mo na akong hanapin pa, tatanawin naman kita
Hindi mo na kailangang humingi pa ng isang yakap,
Magtiwala ka naman ngayon sa sarili na mahahanap
Hindi ka ikaw kapag ako ang kasama mo,
Kaya pinabitaw na kita kahit nasanay kang ako ang nanditoHuwag ka nang matakot pa na lumayo
O magtungo sa kung saan saang dako
Hindi mo na kailangang bumalik upang magpaalam
Naiintindihan ko, lumarga ka na't lumisan
Gusto kong matanto mo na nasanay ka lang,
Pagkat ako ang narito kapag kailangan
Nanatili ka dahil kahit kailan ay hindi kita tinanggihan
Nanatili ka dahil nasanay ka lang
Pinili mo ako dahil alam mong pipiliin kita
Naging akin ka dahil iyong iyo na ako mula umpisaGusto kong malaman mo na hindi naman ako ang mundo,
Dahil mapanakit ang bawat kuwadro noon, at iyon ang totoo
Nabubuhay ka sa pantasya na sa akin mo natagpuan,
Yung walang sakit at puro saya lang
Hindi ako ang iyong realidad,
At iyan ang gusto kong ipabatid sa iyong paglakad
May sakit sa bawat pagmamahal
May sakripisyo sa bawat pagsugal
May luha sa bawat kabiguan
Mahal, malapit mo ng makita at hindi kita pipigilan
BINABASA MO ANG
100 TULA: Sa Panauhin ni Kupido
PoesieOras na inilaan sa pagsulat: 13 araw at 6 na oras