78 Isla

9 0 0
                                    

Tahimik at nag-iisa sa kawalan
Kubli ang yamang hindi matatawaran
Marami ng nangahas na pasukin ang natatangi kong rikit
Ngunit walang sinuman ang nakalusot sa aking higpit

Isang tahimik na hapon,
Ginambala ang katahimikan sa iyong pagdaong
Lulan ng balsang halatang iyo lamang imbensyon
At suot ang magulo mong barong
Kapayapaan ang nasilip ko sa iyong mga mata
At katotohanan na hindi ko pa nakita sa iba
Kaya't tinanggap ka sa bulwagan ng aking pagkatao
Hinayaang lakbayin ang hiwaga nitong aking puso

At nakita mo na nga ang tunay na ganda
Na kahit mailap ang aking motibo ay hindi nanghingi ng higit pa
Huwag naman sanang dumating ang sandali na maghahangad ka sa akin at makukulangan sa kaya kong ihandog sa'yo
Dahil tiyak na matatakot at magiging padalos-dalos sa desisyong mabubuo

Natanaw mo ang kwebang himpilan ng aking sekreto
Madilim ang iyong naratnan ang ika'y nahintakutan at nagsimula ng lumayo
Hindi maintindihan ngunit nasaktan sa iyong inakto
Batid na kaya mo na akong iwan sa sandaling ito
Dali-dali mo ngang nilisan ang isla ko, gayong ikaw pa lamang ang tanging nakapasok dito
Ayaw ko ng maulit pa, hihigpitan na ang bawat sulok lalo
Hindi na tatanggap pa ng panauhing darating at agad ding maglalaho

100 TULA: Sa Panauhin ni KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon