Kung saan saan na ako napadpad
Sa lakas ng ihip ng motibong iyong ipinapamalas
Ligaw na ligaw na ako himpapawid
Ngunit ayaw ng bumaba pa't lisanin ang tayog na aking narating
Hilong hilo na ako sa iyong mga pasaring
Puro paramdam ngunit hindi maaminTinatangay muli ako sa ibang dako
Kay layo na ng inabot, hanggang ngayo'y malabo
Tanaw ko ang ganda rito sa taas,
Ang kapayapaan kahit walang patutunguhan
Damang-dama ko na ang simoy na ipinaparamdam
Ngunit dama rin ang lamig na nananahanKay taas na ng narating kong estado
Ganon din ba ang nadarama mo?
Isang tanong at ang lahat ay nagbago
Lumagapak na't ipinagkait pa ang sagot na gusto ko
Napawi ang malakas na hangin at tila pumayapa ang iyong loob ng sandaling ihulog ako
Na wari'y kay bigat ng dinadala moKung bibigyan muli ng pagkakataong pawirin ako't magpa ikot-ikot sa himpapawid,
Tiyak na mamarapatin kong muli mahulog at bitawan mo man ulit
Sapagkat minsan lamang ako kung makadama ng ganito
Kaya't patatangay saan man ang tungoSana'y dumating ang sandali na hindi mo na nanaisin pang ibaba ako,
Sabay tayong maglimaliw sa ibabaw ng puting ulap
Namnamin ang sandaling nararamdaman nati'y maliwanag
Dito sa haring araw na katotohanan ang sinisikat
Huwag na tayong bumaba, huwag mo na akong bitawan
Dito na lang tayo, huwag nang pawiin ang bugso ng ating nararamdaman
BINABASA MO ANG
100 TULA: Sa Panauhin ni Kupido
PoetryOras na inilaan sa pagsulat: 13 araw at 6 na oras