Crayson's POV
Nanginginig ang buo kong katawan habang nakatingin sa babaeng may hawak na baril sa aking harapan. Nakatutok ito sa aking ulo na parang handang-handa siyang iputok ito sa akin.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Hindi ko maintindihan ang mga emosyon na naglalaro sa aking dibdib.
Galit?
Lungkot?
Pagkalito?
Pagkadismaya? Hindi ko ito matukoy-tukoy.
Hindi ko tuloy mapigilang itanong sa aking sarili, lahat ba na ipinapakita niya nuon ay palabas lang?
"B-bakit?" Halos piyok kong tanong sa babaeng nasa aking harapan. Itim na itim ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ito pangkaraniwan, para siyang sinapian o sadyang ganyan lang ang kanyang mga mata, wala akong makitang puti sa kahit anong bahagi nito. Masyadong kakaiba.
Wala man lang akong nakuhang sagot sa halip tiningnan niya lang ako ng walang kaemo-emosyon. Natatakot man ay pilit kong nilalabanan ang kanyang mga malalamig na titig.
Humakbang siya palapit habang nakatutok pa rin ang baril sa akin. Napaatras ako ng isang hakbang.
Gusto kong magwala, magalit ng todo sa kanya ngunit hindi ko magawa. Nanghihina na rin ang aking mga tuhod at kahit anong oras ay pwede na itong bumigay. Natatakot ako kung ano ang pwedeng mangyari sa akin, sa amin, kung anong magiging kahinatnan nito.
Napalunok ako ng marinig ko ang paghampas ng mga alon sa ibaba. Ang ganda sana ng gabing ito kung nakaupo lang kami at nagkwekwentuhan habang nakatingin sa libong-libong bituin sa itaas. Ngunit iba ang sitwasyon namin ngayon, ibang-iba, nakakatakot.
"B-bakit?" Nablanko na yata ang utak ko at paulit-ulit na lang ang aking sinasabi. Totoo ngang hindi ko pa siya kilala, yung tunay na siya.
Biglang umihip ang malakas na hangin, sumasayaw ang mga dahon sa mga puno na nagkalat sa paligid. May nararamdaman akong kakaiba, bakit parang ang daming nakamasid?
Lilingon na sana ako sa mga puno ng bigla niyang kinasa ang baril. Nanigas ang katawan ko.
S-seryoso ba t-talaga siyang patayin ako?
Tumingin ako sa kanyang malainosenteng mukha. Ang daming tanong sa isip ko kung bakit biglang naging ganito na. Sa matagal na panahon, pinilit kong mamuhay ng payapa at malayo sa away at gulo. Pero pilit akong linalapit ng tadhana na parang ito na talaga ang buhay ko.
Nakatunganga lang ako sa kanya ng hindi ko namamalayan.
Biglang napalitan ng galit ang walang kaemo-emosyon niyang mukha. Nakita ko rin kung paano nanginig ang kanyang mga kamay habang nakahawak sa baril na parang nasisira na dahil sa higpit ng kanyang pagkakahawak. Napasinghap pa ako ng mayupi niya ito.
Ganyan ba katindi ang galit niya sa akin?
Kasabay ng nakakasilaw na liwanag at nakakabinging ingay ay ang maling paghakbang ko ng siyang dahilan ng pagkahulog ko sa mataas na bangin.
Rinig na rinig ko na ang paghampas ng malalaking alon sa mga matutulis na bato sa ibaba.
Ito na ba talaga ang katapusan ko? Napapikit ako at napangiti ng mapait, dito pa talaga ako mamamatay.
Bago ako bumagsak ay mabilis na bumalik sa aking isipan kung saan nagsimula ang lahat. Kung paano nagbago at mas naging komplikado ang loko-loko kong pamumuhay.
***
Edited
BINABASA MO ANG
She's Strange
AdventureNerds' story - A taglish story- A guy with unknown ability, has to know the mysterious girl who he meets in the strange forest of Aventown in order to discover his real identity and how they were connected to each other. Know what is the hardest de...