Chapter 26

183 50 2
                                    

Crayson's POV


Pinikit-pikit ko ang aking mga mata at tiningnan ang uwak ulit. Hindi naman ito nakangisi habang lumilipad papalayo!


Napasandal ako sa puno, kumakalabog ang aking dibdib dahil sa bilis ng pagtakbo ko kanina. Nyeta, kung anung-ano na ang naiisip ko simula ng mangyari ang exam.


Linibot ko ang aking paningin, mukhang naliligaw na yata ako. Sa laki ng gubat na'to ay imposibleng walang naninirahang mababangis na hayop dito.


"Tch! Sana hindi mo na lang hinabol tanga!" Bulong ko sa pagitan ng aking mga paghinga. May narinig akong kaluskos sa itaas ng punong  sinasandalan ko.


Humangad ako sa itaas at muntikan na akong  mapasigaw dahil sa gulat  ng may malaking ahas na nakapalibot sa sanga ng puno. Lumalabas-labas pa ang dila nito habang nakatingin sa akin.


Bago pa ito makalapit ay parang nagkaroon ako ng lakas para kumaripas ng takbo dahil sa takot na matuklaw ng nyetang ahas.


Lumilingon-lingon ako sa sanga habang tumatakbo at napatigil ako ng makita ko itong gumagapang papalayo. Eh? Natakot ba ito sa mukha ko? Sa mukhang 'to? Pati ba naman ahas? Tch!


Nyeta talaga, ang malas ng araw na'to. Wala namang araw na hindi yata ako minamalas!


Napahawa ako sa aking mga tuhod, napahingal ako. Saan bang parte ng kagubatan 'to? Bakit pa kasi napadpad kami dito ni Lielle nuon, ang babaeng 'yon, wala din kasi iyong kinatatakutan. Hays.


 May napansin ako sa isa sa mga puno, may nakaukit na letrang 'L' ngunit nakatagilid ito na parang baril. May naiwan pa ring swerte sa'kin! Ligtas na 'ko!


'Huwag na nating sundan ang ibon Lielle! Baka maligaw tayu'


'Hindi yan Lei, ano ka ba! Ganito ang gagawin natin'


'Anong gagawin mo sa bato?'


'Mag-uukit sa puno, this is great Lei! Look!'


'Ano yang inuukit mo?'


'L yan na nakatagilid, nagsisilbing gabay natin para hindi tayu maligaw dito sa gubat at makabalik pa tayu sa daan at the same time palatandaan na tayu lang ang uukit ng ganyan, parehas nagsisimula sa letrang L ang mga pangalan natin kaya ayan!'


'Talaga? Ang galing mo Lielle!'


'Ako pa ba? Magsimula ka na ring umukit sa puno'


Napangiti akong napahaplos sa puno. Hindi ko maiwan-iwan ang lugar na ito dahil sa mga ala-ala. Siguro hindi ako magsasawang magpabalik-balik dito lalo na't malapit lang ang tinitirahan ko at ng lungsod.


Sa kabila ng mga nangyari ay itinuloy ko pa rin ang pag-akyat ng bundok. Nang marating ko ang tuktok ay agad akong umupo sa dulong bahagi nito dahil na rin sa nararamdamang kong pagod.

She's Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon