Chapter 20 - The Girl in Black

235 65 10
                                    

Crayson's POV


Naging alerto kami sa paligid. Patuloy na lumulutang ang mga bagay sa kung saang direksyon.


Hinila kong may kumokontrol nanaman sa mga ito katulad nung nangyari sa Reavengy.


Napaupo kami ng may sumabog nanaman kung saan. 


"Mga bomba ba yan? San ba yan galing?" Tanong sa akin ni Greg. Nahimigan ko ang pangamba sa kanyang tono.


"Hindi ko alam, pero may kumukontrol sa mga 'yan." Sigurado akong malapit lang siya dito.


"Kailangan na nating makalabas dito," Napalingon-lingon siya. "itong parke yata ang gustong pasabugin ng kung sino man yang walang-awang tao na yan."


Nang wala na gaanong bolang lumulutang sa paligid namin ay agad kaming tumayo at tumakbo.


"K-kuya"


Napalingon ako sa aking likod. Nakita ko siyang napayuko na parang may iniindang sakit. Nagdurugo yung sugat niya sa paa. 


Napatigil ako sa pagtakbo ng maramdaman ko ang pagsandal ng buo niyang katawan sa aking likod.


"Bata...bata..." Niyugyog ko siya para magising, masama ito, nangingitim na ang kanyang kanang paa.


"Pre! Dapa!"


Hindi na'ko nakagalaw ng nasa harapan ko na ang lumulutang na bomba. Malapit na itong tumama sa akin ng biglang may sumalubong dito na net.


Nagulat ako ng hawak ito ng isang babaeng nakahood ng itim. Nalaman kong babae siya dahil sa hubog ng katawan.


Napadapo ang mga mata ko sa loob ng net. Kumidlat-kidlat ang bolang metal at may biglang lumabas na usok galing dito.


H-hindi sumabog!


"Pre! Ayos lang kayo?" Sigaw niyang palapit sa amin.


"A-ayos lang ako pero nawalan siya ng malay." Tukoy ko sa bata.


Napatingin siya sa babae.


"Sino ka?" Oo nga, sino ba 'to?


"Ah...eh umalis na tayo dito, bilis!" Ang boses niya...parang bakla! Bakit sinusubukan niyang ibahin ang boses niya?


Agad niya kaming hinila papalabas ng parke. Teka... bakit hindi na gumagalaw ang mga bomba?


Napatawid kami sa kalsada, may mga sasakyang huminto at may mga taong nanunood pa. Ano akala nila, may magandang palabas?


She's Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon