Chapter 31 - A Touch

127 25 2
                                    

Crayson's POV

Nakatunganga lang ako habang nakatingin sa harapan, binabalewala ang presenya ng aking katabi na parang bored na bored na sa kanyang kinauupuan habang nakatingin rin sa aming guro.

Ang laki ng pasasalamat ko nang mawala ang aking sipon agad-agad kahit wala naman akong ininom na gamot kahapon at kagabi. Pero ganun naman lage iyon, lahat ng sakit ko bigla-bigla na lang nawawala kahit ang mga sugat ko, mabilis na gumagaling.

"Wala bang nagtataka kung bakit ang rehiyon lang natin ang nakahiwalay sa iba pang lugar sa ating bansa?" tanong ni miss Reaven sa amin.

" Limang-daang taon na ang nakakaraan ng may bumagsak na hindi maipaliwanag na bagay rito sa Reaven Vance sanhi nang humiwalay ito sa ibang rehiyon. May nakakaalam ba? Anyone?" untag niya ulit nang walang sumagot sa kanya.

Biglang lumitaw sa projection ang buong kalupaan ng aming bansa, ang Phirifins. Nakahiwalay ang Reaven sa Pesfial at Vienne Vance ngunit mas malapit ito sa isla ng gobyerno ng aming bansa. Parang tatsulok na naputol ang hugis ng buong Phirifins. Nasa norteng parte ang Reaven habang nasa gitna ang isla ng gobyerno.

"Wala bang nakakaalam?" untag ulit niya nang nagtaas ng kamay ang isang kaklase kong lalaki, maamo ang mukha nito at hindi aangas-angas katulad ng iba kong kaklase.

"Yes Mr. Reyes?"

" Totoo pala iyon miss? Akala ko isa lang iyon sa mga kwento-kwento kung paano naihiwalay ang rehiyon natin sa ibang rehiyon."

"It's true Lemuel, apatnapu't limang taon na ang lumipas ng may nadiskubre ang mga mananaliksik noon kung saan eksaktong bumagsak ang misteryosong bagay..." Nawala ang antok ko nang lumingon si miss Reaven sa akin bago siya magsalita ulit. " Sa sobrang laki nito, marami ang nagtangkang pumasok sa loob ngunit walang nakakaalam kung anong nangyari sa kanila nang konti lang ang nakabalik." Malungkot siyang ngumiti at umiwas siya ng tingin sa akin. Bakit pakiramdam ko nanlumo ako sa aking narinig?

"Yes Ms. Park?" Nagtaas ng kamay si Azul. Nasa harapan sila ni Greg nakaupo. Nakausap ko sila kanina at may inasikaso raw sila kahapon kaya absent silang pareho. Baka naman may namamagitan sa dalawang 'to? Tapos ngayon may upuan sila? Tch! Kahapon lang walang bakante ah kaya napilitan akong tumabi kay Aya. Wala rin yatang uso ang pagpapakilala rito, parang alam na alam ng mga guro ang lahat ng mga pangalan ng mga estudyante nila.

" May nakakaalam po ba kung saan matatagpuan ang lagusan nito ngayon miss?" malumanay na tanong ni Azul ngunit seryoso ang kanyang mukhang nakatingin sa aming guro.

She's Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon