Chapter 23

193 59 3
                                    

Crayson's POV


"Pre matagal ko na gustong itanong to sa'yo." Napalingon kaming dalawa ni Azul kay Greg ng magsalita ito. Seryoso lang ang kanyang mukha at diretsong nakatingin sa aking mga mata.


Napalunok ako. "Ano?"


"Anong pangalan mo?" Nawindang ako at muntikan ng madapa dahil sa kanyang tanong.


Hindi pa pala ako nakapagpakilala?


"Akala ko kung ano! Ang seryoso mo loko!" Tumawa lang siya at ngumiti lang din si Azul.


"Cray...Crayson Lei"


Napatigil siya sa paglalakad at napatulala. Napatigil din kami ni Azul.


"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.


"A-ah wala... may naalala lang ako." Alanganin niyang tugon.


Binalewala ko na lang at nagfocus sa napakalaking pintuan na ngayo'y nasa aming harapan. May nakaengrave ulit na dalawang gintong letra sa itaas nito.


Bumukas ito ng dahan-dahan nang may pinindot-pindot ang lalaki sa gilid ng pinto. Umiilaw-ilaw pa ito na parang keypad.


Bumungad sa aming lahat ang malawak na field at namangha kami sa mga matataas na buildings na nakapalibot sa buong lugar.


This is... wow. Iba't-iba ang hugis ng mga gusali na kulay copper at platinum. Parang gawa ang mga ito sa metal. At ang field, sobrang lawak!


"Nasan ba kami? Infairness ang ganda dito." Giit ng babaeng nakashort-shorts at halos makita na ang kaluluwa dahil sa suot niyang damit na pang-itaas.


"Malalaman niyo mamaya, sumunod na lang kayu sa akin." Maotoridad na sabi ng lalaking nakashades.


Bakit mamaya pa? Hindi ba pwede ngayon na?


"Hindi kami nakikipaglokohan dito! Kinidnap niyo 'ko! Tapos parang wala lang nangyayari!? Baka iisa lang kayu nung nagpasabog nung nakaraang araw! Mga bomber slash kidnapper!" Reklamo niya sa lalaki.


Kanina ko pa napapansin, bakit ang mahinahon lang ng ibang kasama namin? Pero hindi rin naman ako nakaramdam ng kaba simula pa kanina. Pero yung pagkidnap nila sa amin ay hindi nakakatuwa.


"Ano ba gusto niyo? Pera? Ibibigay ko ang contact no. ng parents ko sa inyo! Sa kanila kayu manghingi ng ransom! Kahit maganda itong kampo niyo hind--"


"Angel? Can you just please shut up!? Kanina ka pa nagrereklamo!" Putol ng lalaking may malalaking braso sa babaeng maarte.


Angel? Ang sayang ng pangalan, hindi tumugma sa kanyang katangian.


She's Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon