Chapter 21 - Dede

237 65 10
                                    

Crayson's POV


"Kuyaaaaa! Salamat po!" Masiglang bungad niya sa akin pagpasok ko sa ward. Nakahiga siya sa puting kama. Napatingin ako sa kanyang paa.


"Okay na ba ang paa mo?"


"Opo! Medyo namamaga pa rin pero hindi na po masakit! Salamat sa inyong dalawa kuya!" Masigla niyang tugon.


"Kainin mo muna itong dala kung pagkain bata." 


Ibinigay ko sa kanya ang binili ko sa isang restaurant sa gilid lang ng ospital. Mabuti na lang at may dala akong pera.


Umupo ako sa gilid ng kama, hindi ko mapigilang ngumiti ng masaya niya itong inabot at tiningnan ang nasa loob.


"Dede, Dede na lang po." 


Nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi.


"Ano? Gusto mo ng dede? Wala akong maibibigay na boobs bata, grabe yang request mo!" Napangiwi ako.


Humahagikhik siya, "hindi po yan ang ibig kong sabihin kuya, pangalan ko po iyon." binuksan na niya ang styro box at kumain.


"Kailan pa naging dede ang pangalan?" Ano bang klaseng pangalan ang ibinigay ng mga magulang niya sa kanya?


"Nickname ko lang po iyon...Dende Deltran po ang buong pangalan ko." Sabi niya habang ngumunguya.


"Dahan-dahan lang sa pagkain, limang araw ka yatang hindi kumain ah."


"Ikaw kuya? Ilang buwan ka ba sa tiyan ng nanay mo at ganyan kadami ang tigyawat ang nasa mukha mo?" 


Lumaki ang dalawang butas ng ilong ko at nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa kanyang sinabi.


"Aba't --!"


"Joke lang kuya, wag kang magalit! Mas lalo kang papanget este gwagwapo niyan." Nagpeace sign pa siya pero agad ring nawala ang masayang ngiti sa kanyang mukha.


"Halos tatlong linggo rin po kaming hindi makakain ng maayos nang hindi na kami binalikan ni tatay kuya. Kaya mas lalo kaming naghirap, nanlilimos nga po ako dun sa parke. Linapitan ko yung babaeng para manghingi sa kanyang kinakain ng bigla niya akong itulak ng malakas at napaupo ako sa lupa. Tapos may biglang sumabog at yun na nga po naipit na ako sa malaking upuan at nagkagulo na ang mga tao." Mahaba niyang salaysay. 


Naaawa ako sa kanyang kalagayan, kagaya rin ng sa'kin, iniwan. Bakit nang-iiwan ang mga magulang sa kanilang mga anak? Ganito na ba talaga kalupit ang mundo? 


Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ulit ang masayang tono ng kanyang pananalita.


She's Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon