Chapter 4 - Tsokolate part 2

521 128 72
                                    

Crayson's POV

Malakas na pagsabog ang nangyari na nagpayanig sa buong lugar. Napatigil ako sa pagtakbo at tumingin kung saan galing ang pagsabog. Ang Reavengy!

Muntikan na akong matumba dahil sa sunod-sunod na pagsabog. Mas lumakas ang sigawan ng mga tao. Kitang-kita ng mga nanlalaki kong mata ko kung gaano kabilis lumaki at kumalat ang apoy sa katabi nitong mga gusali at bahay. 

Hindi ko na tinuloy ang pagpasok sa gusali at sinubukang hanapin si Shine pero wala na siya sa kinatatayuan namin kanina. Hindi ko na siya mahagilap. Saan naman kaya iyon nagpunta?

"Tulong! Tulong! Yung mga anak ko!" Napunta ang atensyon ko sa isang aleng sumisigaw. Aligaga siyang lumapit sa kahit na sino ngunit binalewala lang siya ng mga taong malapit sa kanya at wala man lang lumingon ni isang tao para tumulong.

"Tulong!" desperada niyang sigaw ulit. 

Ewan ko  sa mga tao kung nagbibingi-bingihan lang ba o hindi na nila napapansin ang matandang babae dahil sa kaguluhang nangyari. Rinig na rinig ko kasi yung sigaw niya kahit nasa malayo ako. Nakakainis lang.

People are monsters. Ang akala nila may kumukontrol sa kanila na mga demonyo para magtulak sa kanila na gumawa ng masama. Pero sila yun mismo, nasa loob nila at choice nila iyon. People and their selfishness. Katulad ko lang din nuon.

Tinangka ng ale na pumasok sa nasusunog nilang bahay. Mabilis akong gumalaw at mabuti't nahawakan ko pa ang braso niya bago niya magawang makapasok sa lumalagablab na bahay.

"Wag nay." iling kong sabi sa ale.

"T-tulungan mo ko! Yung mga anak ko!" Umiiyak niyang tugon. Mabuti at hindi na siya nagpumilit pang-makapasok.

Sinubukan kong hindi mataranta kahit tagaktak na ang aking mga pawis. Kalma lang dapat sa mga ganitong sitwasyon.

"Nanaaaay!" may sumigaw sa itaas na bahagi ng bahay. May bintana sa pangalawang palapag na unti-unting kinakain ng apoy na galing sa ibaba.

"Kris!"

"Tulungan mo kami inay! H-hindi kami makalabas! M-may nakaharang sa pintuan!" ubo-ubo nitong sabi. Pumasok na rin ang usok sa kwarto.

Napatulala ako ng wala akong makitang paraan para mailigtas sila ng walang masasaktan.

Napatingin ako sa alaga kong si ALI-12 na nakatingin lang din sa akin na nakalabas ang dila. Parang gusto niya nang kumain at ako ang gusto niyang kainin. Hindi ko mapigilang tumawa sa isip ko kung may laway pang tumutulo sa kanyang bibig. Pero isa siyang robot, kahit mukha siyang totoong aso ay hindi iyon mangyayari.

Sa di malamang dahilan ay naalala ko ang tsokolate na nasa bulsa ko. Kinuha at pinalunok ko ito kay ALI. Alam ko na ang gagawin ko!

"Shield, activate."  May force field na pumalibot sa katawan niya. Kinapa ko ang relo sa aking palapulsuhan. Laking tuwa ko na hindi ko ito nahubad habang kumakain ako kanina.

Inutusan ko ang alaga kong pumasok sa loob. Pinindot ko ang button sa gilid ng relo ko. Bumukas ito na parang mini-laptop, bilog nga lang ang screen.

Kitang-kita ko kung ano ang nasa loob ng bahay dahil sa ininstall ko na  minicamera sa mga mata ng aso ko.

Sunog na kagamitan at makapal na usok ang bumungad sa screen ng aking relo. Sinubukan kong kontrolin ang aso ko gamit ang aking boses para umiwas sa mga nagliliyab na kagamitan.

Halos hindi na makita ng maayos ang daraanang patungong itaas dahil sa usok. Narating ng alaga ko ang isang pintuan. Mabuti na lang at hindi pa gaanong umabot sa parteng ito ang apoy at usok lang ang nagkalat. May nakaharang sa pintuan na mga semento at kagamitan na sa tingin ko ay nahulog sa itaas dahil sa pagsabog. May butas kasi sa ibabaw, sa harapan lang ng pintuan.

Inutusan ko ito na ilabas ang tsokolateng pinalunok ko sa kanya ng biglang nagdilim yung screen. Shit! H-hindi!

"System--restart! System--restart!" paulit-ulit kong sabi. Lumakas ang kabog sa aking dibdib. Hindi ito maaari!

Natataranta na ako. Mas lalo akong kinabahan ng may nakita pa akong ilang bolang metal  na  lumulutang-lutang at pakalat-kalat malapit sa Reavengy. Hindi pa tapos ang pagsabog!

Hindi ko pinansin ang pagtawag ng ale at mga tunog ng sirena ng mga sasakyang papalapit sa aming kinaroroonan.

Pinasok ko ang nag-aalab na bahay  ng walang alinlangan ngunit hindi man lang pinag-isipan ang mga susunod na hakbang.



***

She's Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon