Chapter 24

218 60 12
                                    

Crayson's POV


Biglang nagtaas ng kamay si Azul.


"Yes?"


"Mawalang galang na po, bakit kailangan niyo pa po kaming kidnapin?" Tanong niya. Ito rin sana ang itatanong ko, nakapagtataka kasing gawin ito ng paaralan at ang Reaven pa talaga. Akala tuloy namin kung sinong masasamang tao ang dumukot sa amin, kawawa tuloy yung babaeng nagngangalang Angel kanina.



"Utos iyon ng nakatataas," agad na sagot ng principal. "They always do that to the qualifiers...like the old ways." Dagdag pa niya at ngumiti kay Azul.



Ngumiti lang din siya pabalik sa principal.



Ginagawa nila ito nuon pa sa mga nakapasa? Nanliit ang aking mga mata, anong kalokohan  'to? Parang may mali...hindi naman yata tamang ipadukot kami ng ganun-ganun lang.



"Anyway, any other concerns?" Tanong niya sa amin.



Magtatanong na sana ako ng maunahan ako ni Sakuragi. "May dorms ba kayu rito principal?" Excited niyang tanong.



"Yes, there are dorms inside the premises but limited only. Kung makakakuha kayu, it would be free for you. Everything inside the campus are free for the passers."



"Pati po ba pagkain?" Dagdag na tanong ni Saku na may tonong pagnanasa. Napalingon ako sa likod, nakaupo lang ang iba niyang kasamahan sa couch habang siya lang yung nakatayo at nakatukod ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng couch namin.



"Of course, wala kayung babayaran na kahit ano."


Nagningning ang mga mata ni Sakuragi dahil sa sinagot ng principal. Biglang tumayo si Gin at siniko siya sa tagiliran, "wala ngang babayaran di 'ba, paulit-ulit lang?" Mahina man ang kanyang pagkakasabi ay rinig ko pa rin dahil nasa likuran lang namin sila.


"Pagpasensyahan niyo na po siya prince Marcus." Hinging paumanhin niya kay sir Marcus dahil sa kakulitan ni Saku. Sinamaan niya ito ng tingin.



"Prince?" Manghang tanong ng principal.



"Prins po, shortcut ng principal" nahihiyang paliwanag ni Gin. Bahagya akong napatawa, loko!



"Oh okay but you can call me sir Marcus, anyway may tanong pa kayu?"



Nagtaas ako ng kamay, "sir, curious lang po ako, ala--"

She's Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon