Chapter 22 - R.U.

197 67 6
                                    

Crayson's POV


"Freak." Tinulak nila ako ng malakas at napaupo ako sa sahig.


"Ano ba 'tong sinusulat mo?" Sabi ng matabang bata sa akin. Nabitawan ko ang dala-dala kong papel at agad niyang pinulot.


"Akin na yan!"  Sigaw ko sa kanila at sinubukan abutin yung papel pero pinagpasa-pasahan nila ito habang ang ilan sa kanila ay nakangisi.


"Hindi ko maintindihan ang nakasulat Brandon!" Naiinis na sabi ng isang kasama niya.


"Puro numero naman yan e!"


Nalukot ang kanilang mga mukha ng sinubukan nila itong basahin.


"Wala namang kwento 'to!"  Ani niya habang nakakunot ang noo. B-brandon!



"W-wag!"
Sigaw ko ng pinunit niya ito sa aking harapan at ngumisi sa akin.


Naiyukom ko ang aking kamao. Naghanda akong suntukin siya sa mukha ng itulak ako ng isang kasama niya.


"Katulad din niya walang kwenta." Nagtawanan sila ulit.


"Tara! Maglaro tayo ng basketball sa court. Iwan niyo na yang sipsip na 'yan."  


Sipsip? Kay nanay ba? Kaya ba galit sila sa akin?


Naglakad na sila paalis habang naiwan akong nakatulala at hindi na tuluyang makagalaw. A-ang gawa ko.


Napaluhod ako at kinuha ang mga nagkalat na piraso ng papel na pinunit nila. Sayang ang paghihirap kong buuin ito.


Nanlumo ako, ganito na lang ba palagi? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila ah? Gusto ko lang magkaroon ng kaibigan. Ayoko ko na dito. Ayoko na.


_____________________

________




Naglalakad ako sa kalsada dala ang maliit na bag na nakasabit sa aking likuran. Mabuti natakasan ko ang mga guard na nagbabantay sa gate ng orphanage.


Nakatingala lang ako sa itaas dahil sa dami ng bituin sa langit. Mabuti pa sila may kasama at sabay-sabay pang kumikinang. Kailan kaya ako magkakaroon ng kaibigan?


Nagulat ako ng makarinig ako ng malakas na busina ng kotseng papalapit sa aking kinaroroonan.


Malakas ako nitong nabundol at nagpagulong-gulong ako sa kalsada. Hindi ko maramdaman ang aking katawan at hindi ko ito maigalaw. Malabo ang aking paningin at nahihilo ako.

She's Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon