Crayson's POV
Sinisipa-sipa ko ang maliliit na bato sa daan. Mag-isa akong naglalakad papuntang kalsada para makasakay ng jeep. Hindi ko alam pero...bakit parang ako lang ang naglalakad papalabas ng Reaven university? May nakikita naman akong mga magagarang sasakyan papalabas pero naglalakad? Wala ni-isa. Sila Greg naman at Azul, hindi ko sila kasabay umuwi dahil nakakuha pala sila ng dorm sa loob. Bakit nga ba hindi ako kumuha? Libre pa naman sana, ah basta hindi pala pe-pwede.
"Shit!" Muntikan na akong mapasigaw ng maramdaman ang matulis na bato na pumasok sa loob ng sapatos ko. Napatigil ako sa paglalakad at hinubad ito. "Damn!" Gaano na ba 'to katagal at agad itong nabutas dahil lang sa pagsipa ko sa maliliit na bato?
Binilisan ko na lang ang paglalakad at sumakay kaagad ng jeep. Nakapalumbaba lang ako habang nakatingin sa labas. Naalala ko tuloy ang nangyari sa quiz namin ni Ms. Devilleres, hindi ako nakapasa! Isa tamang sagot na lang talaga sana, pasado na ako, pero hindi yata ako pinagpala...minamalas na naman ba ako? Mukhang hindi, hindi ko lang talaga matanggap na mahina ako sa Mathematics. Tch!
Nahagip ng aking mata ang kulay pink na bisikleta sa gilid ng daan, tinitigan ko ito at si Aya ang nakasakay rito. Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa lumiko siya sa daan papuntang damuhan. Ano ang gagawin niya roon? Pupunta ba siya sa gubat?
Papara na sana ako para bumaba at sundan siya pero, ano pang silbi ng pagsunod ko sa kanya kung kailangan ko siyang layuan? Nagdalawang-isip pa ako, pero nagpagpasyahan ko na huwag na lang bumaba ng jeep.
Ginalaw-galaw ko ang aking paa, takte, lumalaki ang butas ng sapatos ko! Saan kaya ako makakabili ng mumurahing sapatos? Meron naman siguro sa mall?
Bumaba ako ng jeep sa may parke, mukhang inaayos na nila ang mga nasirang gamit. Mabuti at naagapan ito ng mga taga-militar at mga pulis, hindi tuluyang nasira ang Aventown Park dahil sa mga bombang ipinadala ng kung sinong mga masasamang tao. Ano kaya ang makukuha nila sa pagsira at panggugulo nila sa Reaven Vance?
"Kuya tabi!"
Nagulat ako nang binunggo ako ng isang batang madungis kaya muntikan na akong mawalan ng balanse. Napahinto siya sa pagtakbo kaya napatingin ako sa kanya. "Dede?"
"Ikaw nga kuya!" magiliw niyang sambit.
Akmang lalapit siya sa akin ng may biglang sumigaw. "Hoy! Magbayad ka!" Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na tumalikod at kumaripas ng takbo. Anong kalokohan naman kaya ang ginawa niya?
Napatigil ang isang matabang ale sa pagtakbo at napahawak sa kanyang mga tuhod. "Mga pesteng bata...salot sa lipunan!" Humihingal pa siya habang nagsasalita.
Napailing na lang ako, hindi ko alam kung saan ako maaawa, kay Dede o kay aleng taba?
Lumapit na lang ako sa kanya, " ano po ang hindi binayaran ng batang 'yon nay?"
Tinaasan niya ako ng kilay, "sino ka? Kamag-anak mo ba ang batang 'yon?" Hindi ko yun kamag-anak! Kakilala lang, tch!
BINABASA MO ANG
She's Strange
AdventureNerds' story - A taglish story- A guy with unknown ability, has to know the mysterious girl who he meets in the strange forest of Aventown in order to discover his real identity and how they were connected to each other. Know what is the hardest de...