Crayson's POV
"Cray-cray!"
Tumakbo siya palapit sa akin para yakapin sana ako ngunit pinigilan ko ang kanyang noo gamit ang aking palad kaya hindi niya ako maabot at magawang mayakap.Mabuti't matangkad pa ako sa kanya.
"Payakap ako! Namiss kita!" sambit niya at pinipilit parin akong maabot.
"Anong ginagawa mo rito sa loob ng kwarto ko? At sa bintana ka pa talaga nakaupo!" kunot-noo kong tanong pero nakaiwas ang tingin ko sa kanya. Muntikan na akong atakihin sa puso, nyeta.
"Surprise?" sambit niya at hilaw na ngumiti. Bigla niya akong tinigilan at tumalon sa aking kama habang yinayakap ang mga unan ko. "Ang lambot ng kama mo Cray-cray! Hindi katulad ng hinihigaan ko," biglang sabi niya.
Ano naman ang ibig niyang sabihin dun? Na mahirap lang siya at natutulog sa malamig na sahig? Sa pananamit pa lang at kutis ng kanyang balat ay hindi maitatangging may-kaya ang pamilya niya, Tch!
Nakasuot siya ng fitted T-shirt at shorts. Nakatayo pa rin ako habang pinagmamasdan ang ginagawa niya. Hindi ako makapaniwala, akala ko siya yung babae sa bangin. Muntikan na talaga akong mapatakbo palabas kanina. At yung kinanta niya, magkatulad na magkatulad ang liriko ng kanta sa narinig ko roon sa gubat.
"Takte Shine, takte" halos bulong kong sambit. Napailing ako, hindi siya 'yon. Wala naman siyang alam sa paborito naming lugar ni Lielle. Isa pa, ngayon ko lang napansin ang suot niyang earphones, nakikinig ba siya ng kanta kanina kaya hindi niya ko narinig kanina?
Umupo siya sa gilid at tinitigan ako."Anong nangyari sayo at hindi ka na gumagalaw riyan? Nagulat ba kita Cray-cray? S-sorry..."
"Lumabas ka muna Shine," walang katono-tono kong saad habang blankong nakatingin sa kanya.
Yumuko lang siya at naglakad palabas. Bago niya isinirado ang pinto ay hindi na 'ko nakapag-react nang malakas niyang inihagis sa akin ang dala-dala niyang unan sa aking mukha. "Ang pangit mo Cray-cray at wala ka pang abs! Ang payat mo na!"
Sinamaan ko siya ng tingin pero dinilaan niya lang ako at malakas na ikinalampag ang pinto. Mabuti na lang talaga at maligamgam ang tubig na ginamit kong pangligo kanina para hindi matanggal ang face mask sa aking mukha. Napapikit ako at napabuntong hininga. Hindi man lang ba niya napansing nakasando lang ako at boxer?
Ang inosente ng bwisit.
_____
"Inakyat ko ang puno para makadaan sa bintana," sambit niya habang nakadapa sa couch. "Eh sa naiinip na ako kakahintay sa'yo sa labas eh!" nakasimangot siya habang nanonood ng balita sa telebisyon.
Yun talaga ang naisip niya? Grabe, nasa pangalawang palapag ang tinutuluyan ko, pa'no kong nahulog siya? Kasalanan ko pa.
"Naku! Mga walang hiya talaga yung mga nagdeklara ng digmaan ng nakaraang araw! Tingnan mo tuloy, ang daming natakot na baka pasabugin ang buong Reaven Vance," biglang sambit niya habang nakatuon ang atensyon sa telebisyon.
BINABASA MO ANG
She's Strange
AdventureNerds' story - A taglish story- A guy with unknown ability, has to know the mysterious girl who he meets in the strange forest of Aventown in order to discover his real identity and how they were connected to each other. Know what is the hardest de...