Chapter 1 - Epic Encountered

1.4K 179 214
                                    

Crayson's POV

Mabilis akong tumatakbo patungong kakahuyan dala-dala ang maliit kong kulay gray na bag na nakasabit sa aking likuran. Rinig na rinig ang pagtapak ng aking mga sapatos sa mga patay na dahon at mga sangang nagkalat sa paligid. Hinihingal akong makarating sa mataas na bahagi ng gubat kung saan kitang-kita ko ang paglubog ng araw. Ito talaga ang tinakbo ko at salamat naman at naabutan ko ang paglubog ng araw na palagi naming inaabangan nuon.

Mula rito ay kitang-kita ang magandang tanawing napakaygandang pagmasdan. Rinig mula rito ang paghampas ng mga alon mula sa mala-asul na dagat at ang huni ng mga ibon sa kagubatan. Agaw-pansin din sa kaliwang parte kung saan nandoon ang lungsod at ang nagmumukhang palasyong unibersidad dito sa Aventown dahil sa labas nitong kaanyuan at sa kalakihan nito.

Ang lugar na'to ang paborito naming puntahan. Sampung taon ako noong aksidente namin itong makita. May sinundan kaming lumilipad na kakaibang hayop. Hindi namin napansing nasa loob na pala kami ng gubat dahil sa pagkamangha sa nilalang. May matulis itong tuka at kulay pink ang balahibo nito. Napansin ko rin ang malapilak nitong pares na mga matang kumikislap-kislap pa. Bumilis ang paglipad nito dahilan ng hindi na namin ito nasundan. Tinuloy-tuloy namin ang paglalakad hanggang nadiskubre namin ang tuktok nitong bundok.

Napapikit ako sa mga alaala. Ngayon lang ulit ako nakabisita rito sa lugar. Sayang at hindi ko na ulit siya makakasama rito.

Napatingin ako sa kabuuuan ng tanawin. Hindi ko mapigilang mamangha sa hugis ng aming isla,  ang rehiyon ng Reaven Vance. Parang tamang-tama ang pagkalagay ng mga bahay at mga gusali, kahit na itong gubat na tinatapakan ko ay perpekto ang taas para makita ang buong isla.

Biglang napadapo ang aking tingin sa babaeng nakatalikod sa akin, nakaupo siya sa pinakadulong bahagi nitong bundok. Ngayon ko lang siya napansin, pa'no niya natuntun ang lugar na 'to? 

Dadaan pa sa liblib na kagubatan bago makapunta rito sa tuktok kaya imposibleng may makadiskubre agad-agad. Depende na lang kong alam niya talaga ang lugar na 'to.

Hindi kaya isa siyang multo? Dito siya nagpakamatay at nagpapakita siya dahil hindi niya matanggap na patay na siya?

Namutla ako sa aking mga naiisip, hindi naman siguro.

Napansin ko ang mahaba at maitim niyang buhok na hinahangin-hangin pa hanggang bewang. Nakasuot din ito ng puting bestida.

"P-psst!" lakas-loob kong tawag sa kanya, sapat lang para marinig niya. Ngunit, hindi man lang siya gumalaw sa kanyang inuupuan. Tinawag ko pa siya ng isang beses ngunit hindi niya pa rin ako nilingon.

H-hindi kaya tama ang hinala ko?

"Hoy!" malakas kong sigaw. Bigla siyang tumayo kaya muntikan na akong mapatalon sa aking kinatatayuan. Gulat na gulat ako nang lumingon siya sa akin.

Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa mga pulang likidong nagkalat dito pati na rin sa iba't-ibang bahagi ng kanyang suot na puting damit.

D-dugo!

Matalim niya akong tiningnan.

Nawalan ng kulay ang aking mukha ng bigla siyang tumalon sa bangin. Napamura ako ng malakas at dali-daling lumapit at tumingin sa ibaba kung saan siya nahulog. Mga alon lang ang nasa ibaba na humahampas sa matutulis na bato. Wala akong nakitang katawan o kahit na anong bakas kung saan siya nahulog.

Nawala siya na parang bula.

Napaatras ako at napalunok, mukhang tama ang hinala ko. Pumaharap ako sa gubat at mabilis na nagtatakbo nang mapansin kong may mga mantsa ng dugo ang ilang punong nadadaanan ko. May nagpatayan ba rito? 

Takte.

***

Edited.

A/N: Just a reminder, hindi po ito isang horror o paranormal story pero parang ganun na nga hahaha pero hindi talaga e.

She's Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon