Chapter 19 - Start of War

243 69 9
                                    

Crayson's POV


Pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang mga taong nagsisigawan at palakpakan.


"Challenge well done!!!" Rinig kong sabi ng isang lalaki.


Naghiyawan ang mga tao, napalinga-linga ako sa paligid. Hindi na ba 'to ilusyon?


"What a great show from our dear examinees!"


"Yes partner! They showed their braveness to face the challenges and minds to overcome the illusions but," tumingin yung lalaki sa amin pagkatapos ay sa mga taong nanunuod. "sad to say we need to eliminate those who didn't followed the rules."


"Marami ang nakatapos sa exam pero nakalimutan yata nilang dapat wag itong madaliin dahil dapat eksaktong isang oras nila itong gawin, iyon ang rule no. 2."


Nakita ko ang panghihinayang sa mga mukha na mga kapwa ko kalahok.


"And now, are you ready to know who are these toughest people who passed the exam?"


Tumindi lalo ang ingay ng karamihan. Napabuntong hininga ako, alam ba nilang nasasaktan ako, kami habang nasa loob ng ilusyon? Hindi man sa pisikal pero nakaapekto ito sa aming pag-iisip, mabuti hindi ako natrauma sa mga nangyari.


"Wag na nating patagalin partner!" May remote yung babae sa kanyang kamay at may pinindot. "Let the screen revealed the qualifiers for this year!"


Napatingin ako sa screen sa ibabaw ng aking upuan. May lumabas na mga numero.


2 and 99


35 and 33


111 and 112


98 and 100


"Nakakalungkot dahil apat lang na pares ang nakapasa," tumingin ang babae sa bawat kalahok,"pero wag mawalan ng pag-asa dahil may susunod pa naman!" Ngumiti siya ng may kahulugan.


"May we request the four pairs to go here in our place?"


Sinuri ko ulit ang mga numero at napagtanto kong k-kasali ako.


Naka...nakapasa ako? Nakapasa ako!

She's Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon