Chapter 25

174 52 1
                                    

Crayson's POV


Pambihira! Ano bang kasalanan ko sa kanya?


Napahinga ako ng malalim, wala naman akong natatandaang may ginawa akong masama sa unggoy na 'yun. Kababaeng-tao, ang hilig mang-asar!


Pumasok ako sa pinto na nakayukom ang kamao, pero si Greg? Pinipilit niyang maging seryoso ang kanyang mukha kahit kita namang pinipigilan niya lang tumawa.


"Bakit ang tagal niyo?" Bungad na tanong ni Melody paglapit namin sa kanya.


Ngumisi lang si Greg at tumingin sa gawi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Mang-aasar pa, tch!


"Anyway, simulan na natin." 


May pinindot siya sa computer at inutusan akong humarap sa isang device na nasa gilid lang nito. Tinapat ko ang aking sarili. Kamukha ito ng S-record sa exam ngunit ngayon ay may idinikit na sa aking kamay.


Iniscan nito ang buo kong katawan mula ulo hanggang dibdib. Naramdaman ko rin ang nakakakiliting sensasyon na parang may gumagapang sa aking mga daliri.


Lumabas ang resulta sa monitor. Nakita ko ang mukha kong hindi ko na makilala dahil sa mga pinaglalagay kong kalokohan sa aking mukha. Napangiwi ako. 


Sunod kong nakita ang buong pangalan ko, "Crayson Lei Curst, recorded" nagsalita bigla yung computer. Ang cool ng boses!


"18 years old"


"Aventown"


"Height...weight..." Madami itong ibinulgar patungkol sa aking sarili nang biglang paulit-ulit na lang ang sinabi nito. 


"Blood type...not confirm...blood type...not confirm..." Lumapit si Greg sa computer at tinulungan si Melody. Napatanga ako, ano bang nangyayari? Hindi ba katanggap-tanggap ang dugo ko? 


Nakita ko ang itinype ni Greg sa screen na nagpagulantang sa buong sistema nang aking utak. Isa iyong hacking code.


"Blood type confirmed"


"Pa'no mo nagawa 'yan? Naging ganyan rin yan kanina kay Aya pero inayos rin naman niya, irereport ko 'to, may sira siguro ang computer..." naguguluhang sabi ni Melody.


Sino naman si Aya? Dalawa lang naman ang babae na kasama namin at isang binabae...hindi kaya...


"Yun bang babaeng nakasalamin ang tinutukoy mo?" Pagkompirma ko sa aking hinala.


"Oo, yung may malaking ilong." Sagot niya sa akin. Teka...panlalait ba yung sinabi niya?


"May sira yung system niyo Melody, pero inayos ko na." Giit ni Greg pagkatapos niyang galawin ang sistema ng computer. Bakit ka nagsisinungaling  Greg? 

She's Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon